Chapter 09

310 10 0
                                    

Chapter 09

Surprise

Isinara ko ang pinto ng kuwarto namin at isinandal na muna ang likuran ko roon upang i-check kung nananaginip ba ako. I even pinched my cheeks. But it's all real.

Pagkatapos sa arcade ay kumain kami sa Jollibee. Hinatid niya rin ako pauwi.

I had a great time. I really had a great time. Hindi lang dahil kasama ko si Haben. Ngayon lang ako nakapag-good time nang ganoon. Usually kasi ay sa mga bar at coffee shop na ako tumatambay.

It's as if I remember my childhood. Sa probinsiya, kung saan ako nagmula, isa lang ang arcade center doon. Ang daming dumadayo na mga estudyante kaya halos puno lahat. In high school, we would spend our allowance just to buy tokens.

Nang kolehiyo na ay para bang kinalimutan ko na iyon. It's nice to remember things.

Nagbuntong-hininga ako at umupo sa kama. Kinuha ko mula sa wallet ang isang strip na may dalawang pictures namin ni Haben kanina sa photo booth.

We looked good together.

This is the real prize anyway, aniya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil do'n! Ayaw ko namang mag-assume, pero maganda rin namang kiligin minsan.

Kinuha ko na ang toiletries ko at nagtungo na sa public bath upang maglinis ng katawan. Pagbalik ko sa kuwarto, naka-pajama na ako at handa nang matulog. Ngunit kinuha ko ulit ang picture namin at tinitigan ito habang may maliit na ngiti sa labi.

Nang bumukas ang pinto ay napatalon ako sa gulat at kaagad na itinago ang picture sa ilalim ng unan ko!

"Rebecca!" ani Shyra at tumili papunta sa akin. Nakasuot siya ng itim na dress na yumakap nang mabuti sa katawan niya. In short, she's stunning.

Pati si Beth ay humiga sa kama niya at nagpagulong-gulong dahil sa kilig. May suot siyang pink na damit. Flowy ito at sobrang girly kaya bagay sa kanya.

"Akala ko ay hindi kayo rito matutulog?" I asked. Malapit na rin kasing mag alas onse at magsasara na ang dorm. Alas kuwatro pa magbubukas ulit kaya iyong mga nagpa-party, madaling araw nang umuuwi.

"Hindi 'no. Hinatid nila kami pauwi. Oh my gosh, para akong teenager nito!" ani Shyra.

"I never thought Polo could be that romantic? Hindi kasi siya showy. Tapos kanina, may pahila-hila pa siya ng upuan para sa 'kin," sabi ni Beth.

I smiled as they started to talk about what happened. Habang abala pa sila ay palihim kong kinuha ang picture sa ilalim ng unan at pasimpleng ibinalik sa wallet. Mabuti na lang at hindi naman nila napansin.

"Mabuti naman at nag-enjoy kayo," puna ko.

Shyra looked at me. "Sobra. Kasi kahit double date, magkaiba kami ng mga table. Malapit lang din naman pero may privacy kumbaga."

"Ikaw? Ayos ka lang ba rito?" ani Beth sa 'kin.

I smiled but I stopped myself from smiling widely. "Oo naman."

Nagtaas ng kilay si Shyra nang tumingin sa 'kin. "Parang may something. Ba't hindi mo kami matingnan sa mga mata?"

I faked a laugh to cover my embarrassment. Pinanlakihan ko sila ng mga mata. "Walang something. Magbihis na nga kayo. Matutulog na ako."

Hindi na nila ako pinansin at nagsimula nang magbihis. Humiga na ako sa kama at niyakap ang unan ko. Tumalikod ako sa kanila kasi hindi ko mapigilan ang pagngiti.

They talked about their dates. Ako naman ay nakatulog habang iniisip din iyong date namin kanina.

Lumipas ang ilang araw. Consistent pa rin si Haben na i-chat ako. I also replied. Minsan ay nagrereply rin ako sa mga IG story niya. Minsan, malalim ang pag-uusap namin. Minsan naman ay mababaw lang.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now