Chapter 04

369 10 1
                                    

Chapter 04

Hang out

Pagdating ko sa dorm ay nahakot ko ang atensiyon ng dalawa kong kasamahan.

"O, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Shyra na nagsi-skincare sa kama niya.

"Magbihis ka kaagad para hindi ka magkasakit," si Beth naman na nasa desk niya.

Nagbuntong-hininga ako at inilapag ang mga materyales sa desk ko. I checked them all. Kaagad ko naman ipinuwesto nang maayos iyong mga nabasa para matuyo.

"Naabutan ako ng ulan sa mall," sabi ko at nagtungo na sa kabinet para kumuha ng bagong damit.

"Nag-taxi ka na lang sana. Nabasa tuloy ang ilan mong pinamili," ani Beth at tiningnan iyong mga kartolina na nakalatag sa mesa ko.

Nahinto ako nang naalala si Drake. He was really kind enough to give me a ride. Medyo suplado pero maayos na rin naman.

Kung hindi niya ako pinasakay ay baka tuluyan na nga akong mabasa. Pahirapan pa namang mag-jeep lalo na kapag madilim na.

"Shy, pahiram ng mesa mo. Ipapatong ko ang ilan na gamit para matuyo," sabi ko.

"Okay."

Inilapag ko pa iyong ilang papel na nabasa. Inayos ko rin ang mesa ni Shyra para hindi ako makasira o makabasa ng mga gamit.

"Magbihis ka na muna. Baka matagalan ka pa sa CR. Gabi na, maraming gustong mag-shower ngayon," sabi ni Beth.

"Oo na," I replied.

Kinuha ko na ang mga damit ko pati na rin 'yung bathing essentials. Mula sa bag ay kinuha ko na rin ang cellphone.

On my way to the comfort room, I opened my phone to look at Drake's profile on social media. Ngunit nahinto na lang ako sa gitna ng hallway nang makita kung ano ang bumungad sa akin nang buksan ko ang account ko.

habenserese followed you

Kumurap-kurap pa ako para siguraduhin kung hindi ako nagha-hallucinate.

I should follow him back, right? Kinakabahan ako! Ilang linggo kaya akong naghintay sa kanya!

Pero mamaya ko na lang muna ito uusisahin at binilisan nang mag-shower upang makabalik na sa dorm.

Nang matapos na ay halos tumakbo ako papunta kuwarto namin. Si Beth ay nasa desk niya at may binabasa. Si Shyra naman ay naka-sleeping mask at parang tulog na yata.

"Beth, nakita mo ba ang blower ni Shyra dito?" sabi ko.

"Nasa drawer niya. Pero baka magising 'yan. Sa labas ka na lang mag-blow dry."

Tumango ako at ngumiti.

Kinuha ko iyong blower ni Shyra (na parang sa amin na rin kasi kaming lahat naman ang gumagamit) at lumabas na ng dorm dala ang cellphone ko.

Pumunta ako sa lobby. May iilang mag estudyante rin do'n pero busy sa kanila-kanilang mga bagay. Pumuwesto na ako sa sahig, malapit sa may saksakan upang simulan nang patuyuin ang buhok ko.

While I was drying my hair, I was looking at my phone.

Hindi naman talaga ako active sa social media. I view and scroll but I don't post anything. Noong kami pa ni Scott ay halos tambay ako ng Instagram. Pero nang mag-break kami ay iniwasan ko na muna ito.

I had a hard time, especially that my mutuals were from my place. Halos lahat din sila ay may koneksiyon kay Scott. Hindi rin nakatulong iyong mga picture namin.

After I recovered and deleted my posts with him, I decided to take a break. I also unfollowed Scott. Ngunit hanggang ngayon ay hindi na rin ako naging active pa.

Beneath the Moon's PhasesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora