Chapter 22

327 13 3
                                    

Chapter 22

Confession

After the talk with Ed, bumalik na sa dati ang lahat. Maliban na lang sa pagkakaibigan namin ni Haben. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap.

Active pa rin siya sa social media pero hindi ko na ito tinitingnan. Ayokong mas magluksa pa ako habang siya naman ay nagsasaya.

That made me wonder if I ever matter to him.

"Party tayo mamaya? Birthday raw ni Gigi," sabi ng ka-block ko.

"Pass na muna."

"Pass na naman? Noong nakaraan ay nag-pass din kayo, eh," sabi naman ng katabi niya.

Mahina akong natawa. "Tanungin mo sina Shyra."

"Tinanong na namin. Pati siya ay nag-pass din. Sinungitan pa kami."

Typical Shyra. Simula kasi nang nalaman namin ang tungkol kay Ed ay nangako kami sa mga sarili namin na aalagaan namin ang kaibigan namin.

We used to party because Ed loves it, kahit na hindi naman siya malakas uminom. At tsaka, bawal din sa kanya iyon.

"Naghiwalay na ba sina Shyra at 'yung boyfriend niya sa Psych?" usisa pa nila sa akin nang palabas na kami sa building.

"Hindi. Sila pa rin," sagot ko.

"Eh, ba't hindi na namin nakikita na magkasama sila? Pati 'yung lalaki ay wala na rin. Nag-transfer ba?"

Pinakiusapan kami ni Ed na huwag ibalita ang tungkol sa kanya. Aniya raw, ayaw niyang may bigla na lang susulpot sa kuwarto niya. He wants privacy and we'll give it to him.

"Oo, lumipat. Kaya hindi niyo na nakikita," sagot ko.

Sinundot naman ako no'ng kasama niya kaya napa-igtad ako. "Eh, paano kayo ni Harold Benedict Serese?"

Pumilit ako ng ngiti. "Ano naman ngayon?"

"Di ba, close kayong dalawa? Yiee. Nilagay ka kaya sa IG story niya. Mahigit tatlong beses pa nga, eh."

"Oo nga. Mga stolen mo palagi ang nilalagay niya ro'n!" singit naman ng isa. "Suki raw kayo sa arcade."

Hilaw akong tumawa. "Magkaibigan lang kaming dalawa."

"Ay sus, masyadong pa-showbiz!"

"Sikat naman kasi pamilya nila."

I just shoved the questions. Somehow, talking about Haben was taboo for me. Ayaw ko na siyang pag-usapan simula noong huling dalawang linggo.

Ganoon pa pala katagal mula noong huli kaming nag-usap. Pakiramdam ko kasi ay ilang buwan na.

There were moments where I thought of him every moment of the day. Tinanggal ko na ang picture namin noong sa photo booth sa wallet ko para hindi na iyon makita pa. Tinago ko rin iyong bigay niyang stuffed toy sa birthday ko.

Pero kahit anong linis ko sa pinaglakaran naming dalawa, hindi ko pa rin mabura ang mga talampakan namin.

There were still fragments of Haben everywhere. But I had no choice but to live with it.

Nang papunta sa ospital, nag-text ako kina Shyra kung nandoon na ba sila. Usapan kasi namin ay doon kami magla-lunch. Ngunit wala akong natanggap na reply.

Pagdating ko sa kuwarto ni Ed, nandoon na pala silang lahat. May takeout food na rin sa mesa. Ngunit nahinto sila sa pag-uusap nila nang napansin ako.

Nagtaas ako ng kilay. "Ba't kayo tumigil? Ako ba ang pinag-uusapan niyo?"

"Hindi kaya," sabay irap ni Shyra.

Beneath the Moon's PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon