Prologue

932 26 4
                                    

"Dad you can't do this! I have lakad with my friends tonight!" Pagrereklamo ko. The fuck why he always do this?

"Bakit hindi naman kita pinipigilan ah?" Pilosopong sabi ng daddy ko.

Napapikit ako sa sobrang inis. "Dad kinuha mo yung car keys ko. Yung cards ko declined! Pinaclose mo lahat, paano ako makakalabas at mabibili yung gusto ko? Dad naman eh!" I said in frustration.

I heard his sigh at nameywang sa harapan ko. "Yan na lang ba talaga ang mahalaga sayo? Yang mga night outs mo at luho mo? Kung nagtatrabaho kana kasi sa company edi sana may sarili ka ng ipon at hindi ka na aasa sa akin." Napairap ako sa narinig ko.

Here we go again.

"Dad I'm happy with this lifestyle! Tsaka may trabaho naman dapat ako hinaharang mo lang lagi!" Sagot ko.

"Because modelling is not for you! Nag-iisang kitang anak Justin Jace at ikaw lang ang papalit sa akin bilang CEO kaya sa ayaw mo at sa gusto kailangan mo magtrabaho sa company at umuwi sa Pilipinas!" Galit na usal ni dad.

"No! Nandito yung buhay ko dad! Bakit nyo pa ako dinala dito sa New York kung pipilitin nyo rin pala ako ibalik sa Pilipinas? Tsaka stop forcing me sa trabaho na hindi ko gusto. Modelling is my passion at wala na kayong magagawa don!" Sabi ko at lumabas na sa bahay.

Paano na ako ngayon? Hihiram na lang ako kay Vester ng pera mamaya sa bar.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Vester.

"Hello bro!" Sabi nya sa kabilang linya.

"I have a problem bro!" I hissed.

"What's your problem?" Sabi nya.

"My dad is here and he confiscated my car keys and cut all my credit cards! Can you pick me up?" Naiinis kong pagkukwento kay Vester.

"Oh damn! That's a big problem bro. Pero sorry I can't pick you up nasa meeting pa ako eh. Late na ako makakarating sa bar mamaya. Mag cab ka na lang, do you have money ba?" He asked me. Napakamot ako sa ulo ko na akala mo ay nakikita nya.

"Yun nga eh wala na, kasya na lang to pang train tsaka pang bar mamaya. Can I borrow some money later? Promise I will pay you when I get a job." Sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

"Fine. Tawagan mo ako pag nagka problema ah!" Sabi nya.

"Thank you Vester! You are the best!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagsimula na ako maglakad palabas ng gate ng bahay namin. Walang dumadaan ditong sasakyan kaya no choice ako kung hindi maglakad hanggang makalabas dito sa village.

"Daddy naman kasi parang tanga! Lagi na lang akong ginigipit!" Usal ko habang naglalakad.

Sa totoo lang kaya ko naman hindi umasa sa daddy ko para mabuhay. Pero lagi nya akong ginigipit, ginagawa nya ang lahat para mapauwi lang ako sa Pilipinas at para mag trabaho sa kumpanya nya. Pag may kumukuha sa akin na Model agency nalalaman nya ito at cinocontact para hindi ako matuloy maging model.

Alam ko naman na iisa lang akong anak at ako lang ang magmamana ng lahat na maiiwan nya if ever pero hindi ba pwedeng sundin ko muna yung gusto ko kahit ilang taon lang?

Pagkatapos ng mahabang lakarin ay nakarating na ako sa highway at sumakay ng bus para makarating sa train station. Buti nalang ay may card na ako ng bus at train dahil ilang beses ng ginagawa sakin to ni dad. Umupo ako sa may bintana at sinuot ang airpods ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagbabyahe.

My life is here, my friends are here and my dream job is here kaya kahit anong mangyari hindi ako aalis sa bansang to. I wish my dad will stop controlling me.

Pagkababa ko ng bus ay nakaramdam ako ng gutom, hindi pa nga pala ako nag lunch dahil sinalubong na ako ng talak ni dad kanina. Pumunta ako sa pinakamalapit na convenience store dito sa labas ng train station at nag desisyon kumain ng noodles. Hindi pwedeng mag-inom ako ng gutom no, no way.

Habang kumakain ako ay may lumapit sa akin na isang kakilala. "Hi Jace! Wazzup?" Bati sa akin ni Kio.

Binigyan ko siya ng nakakabagot na tingin. Hindi pa ba sapat na binadtrip ako ni dad? Kailangan magpakita pa itong isang negative sa buhay ko.

"Hello." Walang kabuhay buhay kong bati.

"You look so sad. You don't want to see me? Joke!" He chuckled. Tawa-tawa pa to! kung sapakin kaya kitang hayop ka? Binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti pero hindi pa rin siya tumigil.

"How are you? I don't see you often in model industry." Sabi nya. Sabi na pipikonin lang ako ng amerikanong to eh.

"I'm perfectly fine. I'm busy with my dad's company." Pagsisinungaling ko. Alangan sabihin kong unemployed ako?

"Aww that's good. I think you are destined to be business man rather than be a model." Sumingkit lalo ang mata ko dahil sa narinig ko sa kanya. The audacity of this bitch!

"If that's so, you should be thankful. If my dad allowed me to be a model, you don't have your career today." Sabi ko at tumayo. Kinuha ko ang gamit ko at tinabig ko siya at naglakad na ako palabas ng convenience store.

I'm not Justin Jace De Dios for nothing. Kung bitch ka mas bitch ako!

Naglakad na lang ako papasok sa train station. Ang daming kong taong nakakasalubong papuntang station siguro ay dahil rush hour dito ngayon. Nagmadali akong makarating sa hintayan ng tren dahil baka maiwan ako kung hindi maghihintay pa ako ng matagal. Sakto lang ang dating ko dahil wala pa yung tren. Busy lang ako sa panonood ng mapansin kong parang may tumitingin sa akin. Hinanap ko ito at nakita ko ang isang lalaki na nasa hindi kalayuan na nakatingin sa akin.

Gwapo siya infairness pero ang creepy bakit nya ako tintingnan. Tinitigan ko din siya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Psychology says if someone is staring at you, stare them back.

Dumating na ang tren kaya doon napunta ang focus ko. Pumasok na ako sa tren at naghanap ng upuan. Nakita kong pumasok rin yung lalaki at umupo sa hindi kalayuan sa akin. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil tumitingin pa rin siya sa akin.

What the hell is his problem? Bakit ba nya ako tinitingnan? Magnanakaw ba siya? Pero mukha naman siyang mayaman. Ang creepy nya sobra!

Nagpanggap na lang akong tulog para hindi ko makita yung lalaking kanina pa tingin nang tingin sa akin. Pag tigil nng train sa station kung saan ako bababa ay nagmadali ako lumabas. Tumingin ako sa likod at kita ko yung lalaki na para akong hinahabol

What the fuck? Who the hell are you? Kilala ba kita?

Binilisan ko pa yung lakad. Ang dami ko ng nababanggang tao pero tuloy pa rin ako sa paglalakad. Dad this is your fault! Kung hindi mo lang sana kinuha yung car ko hindi sana nangyayari to!

Nakahinga ako ng nakalabas na ako ng station at wala na yung lalaki. Maglalakad n asana ulit ako ng may kumuha ng braso ko at niyakap ako.

What the fuck?

"Alex I miss you." Sabi ng lalaking yumakap sa akin.

Who the hell is Alex? I'm Jace, not Alex!

Tinulak ko ang lalaking nakayakap sa akin at mukhang nagulat siya dahil napalakas ang tulak ko sa kanya.

"Who the hell are you? Why are you hugging me? Why are you following me? I'm not Alex!" Sigaw ko at kita ko ang luhang pumatak sa luha nya.

Bakit siya umiiyak? Siya nga yung kanina pa akong tinatakot eh!

"Alex you don't remember me? I'm your boyfriend." Sabi nya at pilit kinukuha ang kamay ko pero nilayo ko ito.

Is he crazy? I don't have a boyfriend!

"Excuse me! but you talk to the wrong person, I'm not Alex and I don't have a boyfriend!" Sabi ko at tumakbo na palayo sa lalaki.

Who the hell is Alex? I'm Justin Jace De Dios for fuck sake!

Glimpse of Memories (JoshxJah)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin