Chapter 22

478 23 5
                                    

"What do you want to eat? Fries? Burger? Chicken or pasta?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Cullen habang nandito kaming barkada sa Jollibee.

"I want Chicken palabok with large fries." Sagot ko kay Cullen.

Sobrang caring lalo sa akin ni Cullen simula nang magkabati kami. Siguro bumabawi lang siya?

"Okay Jah." Nginitian ko lang siya ng bahagya bilang sagot.

"Ikaw mahal?" Tanong naman ni Benj kay Stell.

"Same lang ng order ni Jace mahal." Stell gave him a sweetest smile.

"Ako hindi nyo ako tatanungin?" Ken rolled his eyes.

"May paa ka."

"Umorder ka mag-isa."

Sagot ng dalawa kaya natawa si Vester habang ako ay napangiti lang. Tumayo naman ng padabog si Ken at sumunod kay Charles at Benj.

"Pinagtutulungan ni Charles at Benj si Ken lagi." Tumatawa pa rin si Vester hanggang ngayon.

"Hindi ka pa nasanay." Sabi ko at tumingin sa may bintana.

"Hindi ka okay no?" Napatingin ako kay Vest ng tanungin nya yon.

"What are you talking about?" I frowned.

"Ang tahimik mo nanaman kaya and I think uncomfy ka kay Charles." Napahinga ako ng malalim at hindi sumagot. "Okay lang ba talaga sayo na pagtinitingnan ka nya ay si Alex ang nakikita nya?"

Bigla naman kumirot ang puso ko sa sinabi nya. I know na sinabi kong okay lang sa akin na tingin nya sa akin ay si Alex but I never said na hindi na ako masasaktan.

"If you're not okay with that set up bumitaw kana hanggat maaga pa." Napatigil naman ako sa pag-iisip sa sinabi ni nya.

"No. Cullen needs me." Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

Buti na lang at mahaba ang pila sa counter kaya nakakapag-usap kami ni Vest ng ganito.

"Alam kong mabait si Charles at mabuting tao. Naiintindihan ko naman yung pinagdadaanan nya pero paano ka? Hindi naman pwedeng habang binubuo mo siya ikaw naman yung nauubos diba? You're my cousin and bestfriend at the same time para na nga kitang kapatid kaya ayokong nakikita kang nasasaktan at alam ko yung istorya ng buhay mo kaya sobra akong nag-aalala sayo." Napangiti ako ng bahagya sa sinabi nya.

Bigla ko tuloy naalala yung isa pang dahilan kung bakit ako nagalit kay Cullen. Yung trauma na yon nandito pa rin pala talaga at parang habang buhay ko na yon dala-dala sa dibdib ko.

"Don't worry Vest kaya ko to and gusto ko yung ginagawa ko." Natawa ako ng umiling-iling siya.

"Alam mo kung alam ko lang na ganyan ka pag nag mahal ka edi sana hindi ko na dinasal na makita mo yung lalaking magpapatibok sa puso mo." He sighed.

"Sira!" Hinampas ko siya sa braso at tumawa.

Napatigil kami sa pag-uusap ng bumalik na yung tatlo sa table namin. Umayos ako ng upo at sinalubong siya ng ngiti.

"Sorry ang haba ng pila. Gutom kana?" Tanong ni Cullen sa akin.

"Okay lang tara kain na tayo." Sabi ko at nagkwentuhan na lang kami habang kumakain.

Napapangiti ako pag nakikita kong tumatawa si Cullen sa mga joke nina Vester. Kung ganito ang kapalit ng pagtitiis ko ayos lang basta makita ko siyang nakangiti.

"Jackson ayoko na sawang-sawa na ako!" I heard my mom and dad fighting again kaya lumabas ako ng kwarto at tumakbo papunta sa kanila.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makitang may dalang maleta si mommy at mukhang dala lahat ng damit nya.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now