Chapter 23

474 21 4
                                    

"Sir may nagpadeliver po para sa inyo daw." Binaba ko ang iniinom ko na tea at napatingin sa maid namin na may dalang bouquet of roses.

"Kanino galing?" Napakunot ang noo ko at inabot ang hawak nyang bulaklak.

"Hindi po sinabi sir eh. Pero may note po baka may pangalan dyan." Napatingin ako sa tinuro nya.

"Ah sige sige. Thank you po." Nagpasalamat ako at umalis na siya.

Binaba ko sa table ang flowers at kinuha ang note na nakalagay doon.

Hello!

Happy weekend Jah! Thank you for simply existing. I'll do everything to be better.
                                             -Cullen

Automatic na napangiti ako sa nabasa ko. This guy know how to make me kilig.

"Wow ang aga mo naman kiligin!" Sabi ni Vester na may dadalang kape at umupo sa katabi kong upuan. "So okay kana? Hindi kana ma awkward?" Stell chuckled.

"Ginusto ko 'to so push!" Natatawa kong sabi.

Gagawin ko lahat para lang makita ni Cullen na ako si Jace at hindi si Alex.

"Good Morning Cullen!" Masayang bati ko sa kanya pagkapasok ko ng office nya.

"Good Morning Jah!" Masayang bati nya rin sakin.

Naglakad ako papalapit sa kanya at nilagay sa table nya ang paper bag na may mga laman na pagkain.

"Ano yan?" Pagchichismis ni Benj at Ken at tiningnan ang mga laman ng paper bag na dala ko.

Hinampas ko ng mahina ang mga kamay nila. "Kay Cullen yan hindi sa inyo! Ayun sa inyo na kay kuya Vest." Turo ko kay Vest na kakapasok lang dito sa loob.

"Niluto mo to?" Tanong nya habang tinitingnan yung mga pagkain nasa paperbag.

"Yeah kami ni kuya Vest nag luto nyan!" Proud na sabi ko.

Hinanda ko ang dinala ko para sa kanya sa mini pantry nya para kumain na kami. Hindi talaga kami kumain ni Vest sa bahay ng breakfast para makasabay silang kumain. Wala rin naman kasi si dad dahil nasa ibang bansa for business meeting.

"Thank you sa food Jah. Hindi mo naman kailangan mag effort." Sabi nya habang kumakain ng pancake.

"It's just little things for you." I bump my shoulder to his.

"Aga-aga ang harot nyo!" Pagrereklamo ni Ken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Maghanap ka kasi ng sayo para hindi ka bitter dyan!" Sigaw ko pabalik sa kanya at inirapan nya nanaman ako.

"Don't mind him na Jah sakin ka na lang mag focus." Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi nya.

"Hala si Jace kinilig!" Pang-aasar ni Benj. Hindi ko siya pinansin at tumungo lang habang kumakain.

Feeling ko mukha na akong kamatis sa sinabi nga. Bakit kasi bigla-biglang babanat ng ganon Cullen!

"Gagi first time kita makitang ganyan." Natatawang sabi naman ni Vest.

"Stop pestering Jah nga nawawala angas eh." Pang-aasar na din ni Cullen kaya hinampas ko siya at lalong tumawa yung tatlo.

"Ang cute nyong dalawa. Sana lagi nalang kayong ganyan." Benj smiled at nagkatinginan naman kami ni Cullen at napangiti sa isa't isa.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming office para magtrabaho and may meeting pa ako mamaya.

"Jah." Napatingin ako kay Cullen ng pumasok sya sa office ko.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Kde žijí příběhy. Začni objevovat