Chapter 5

340 17 2
                                    

"Natapos din kita bitch!" Sabi ko ng matapos ang ipepresent ko sa investor bukas. I looked in my watch and it's already past nine.

Nag inat-inat ako at naghikab. This is one of the reasons kaya ayoko ng office works, long works with a lot of fucking paperworks and reports that will drain your brain. I turned off my computer at kinuha na ang bag ko. Lalabas na sana ako ng mapansin ko si Cullen na naka ub-ob sa desk nya.

Nilapitan ko siya at tiningnan kung humihinga pa. Pinagmasdan ko siya at mahimbing siyang natutulog. Napagod din siguro to. Makapagtrabaho din naman kasi to akala mo may limang pamilyang binubuhay. Ay teka pakialam ko ba?

Naisipan kong gisingin siya dahil magpapaalam na ako at matitira lang siya dito mag-isa sa office baka sabihin nanaman ni Vester wala akong puso. Habang nag-iisip ako kung paano siya gigisingin ay nakaisip ako ng kalokohan.

Gugulatin ko na sana siya ng bigla siyang mag-salita. "Alex I miss you." Sabi nya kaya hindi ko na tinuloy ang balak ko at tumayo na lang ng ayos.

Alex I miss you... Wait bakit parang familliar ang mga salitang yon sa akin parang narinig ko na yon somewhere.

Hindi ko alam kung ano ang udyok sa akin pero nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya habang pinagmamasdan siya. "Boyfriend mo yung Alex no? Bakit parang hindi namin siya nakikita ni Vest dito? Hindi ka man lang dindalaw? Siguro kinakahiya ka nya malaki ka kasing epal." I chuckled at tumayo na.

Gusto ko man magpaalam sa kanya kaso parang pinapanaginipan nya pa boyfriend nya, kaya umuwi na lang ako ng hindi nagpapaaalam sa kanya.

Pagkarating ko sa bahay ay nakatulog agad ako dahil pagod na pagod talaga ako. Kinabukasan ay kahit ayoko gumising ng maaga dahil feeling ko pagod pa rin ang katawan ko ay bumangon na ako dahil kailangan kong pumasok sa office kundi baka may kumaladkad sa akin papuntang banyo pag pinagpatuloy ko pa ang pag tulog ko.

Inaantok pa ako ng bumaba ako papuntang dining room. Mukhang wala rin sa mood si Vest dahil tahimi siya, pagod din siguro. 

"I heard at Charles na ngayon yung meeting nyo with Mr. Sanchez?" Tanong ni dad sa akin.

"Yes dad." Walang gana kong sagot. Feeling ko talaga drained na utak ko.

"Make sure na makipag deal sayo si Mr. Sanchez, don't disappoint me Jace umayos ka." Pagbabanta sa akin ni dad. Nagkatinginan naman kami ni Vest at nginitian nya ako.

"Kahit ngayon lang sana may gawin kang tama." Dugtong nya pat napabuntong hininga na lang ako.

Wala ka palang tiwala na gagawa ako ng tama bakit mo ako pinipilit magtrabaho sayo?

Gusto ko yan isagot pero mag-aaway nanaman kami ni dad.

"Yeah." Sagot ko na lang at ininom ang tea ko.

Pagkatapos namin kumain ay nauna ng umalis si dad. Nanatili kami dito ni Vester at napa buntong hininga na lamang ako.

"Are you okay?" He asked and  I nodded. "Wag mo na pansinin si tito, I know you will doing great. " He said and tapped my shoulder. I just smile at him.

Vester was the only person who has always been there for me since we're a child. He always defend me and he is not just my cousin or kuya he's also my bestfriend. Siya yung nag papadama na hindi ko nararamdaman sa ibang tao lalo na sa parents ko, siya lang ang nagpapalakas ng loob ko, siya lang yung isang naniniwala sa akin at siya lang ang nag aalaga sa akin.

Tahimik lang kami ni Vest sa byahe ramdam nya sigurong wala talaga ako sa mood ngayon. Binuksan ko na lang ang ipad ko at nireview ang ipepresent ko para mamaya. I need to get that fucking deal para tigilan na ako ni dad.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now