Chapter 15

349 25 6
                                    

"Hey Jace! Why are you still here? Tara na lasing na sila lalo na si Charles!" Napatigil ako sa pag-iisip ng hilahin ako patayo ni Vester sa kinauupuan ko.

Hindi ko namalayan na pumasok pala sya sa suite namin.

"Huh?" Wala sa wisyo kong tanong.

Nagulat ako ng pinitik nya ako sa noo kaya napahawak ako dito.

"Hindi ka pa nakakainom pero mukhang may tama kana! Ano nanaman ba iniisip mo?" He crossed his arm infront of me.

"Wala may iniisip lang, tara na nga." Nauna na ako maglakad sa kanya dahil magtatanong pa siya.

Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi ni dad kanina. Kaya pala nag iiba ang mood nya pag napapag-uusapan yung boyfriend nya kasi literal na wala na pa talaga si Alex. Kaya pala grabe yung iyak nya noong pumunta kami sa dagat, nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng boyfriend nya.

"Ang dami na nainom ni Charles mukhang uhaw na uhaw sa alak. Broken ba yon?" Vester chuckled.

Kung may salita na mas hihigit pa sa broken baka yun ngayon si Cullen.

Masakit maloko ng taong mahal mo pero mas masakit maiwan kung alam mong mahal nyo pa ang isa't-isa pero hindi na kayo pwedeng magkita pa.

"Baka he just want to enjoy this trip." Sagot ko na lang kay Vester.

Ayoko ikwento sa kanya yung nalaman ko dahil hindi ko naman yon kwento para ishare sa kanya.

"Baka nga? Pero bilisan na natin baka nagwawala na yung tatlo doon." Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Habang naglalakad kami papalapit sa table nila ay nakita kong inaagaw ni Benj ang hawak na baso ni Cullen pero ayaw ito ipaagaw ni Cullen kaya para silang batang nag-aagawan habang si Ken naman ay natatawa sa ginagawa ng mga kaibigan nya. Napailing na lang ako sa nakikita ko.

Parang mga bata.

"Tama na yan." Inagaw ko ang baso kay Cullen at ininom ito ng dire-diretso. Pagkatapos kong uminom ay binagsak ko ito ng mariin sa lamesa.

Kung di ko pa rin alam ang pinagdadaanan nya hayaan ko lang siya mag-inom.

"H-hey Alex h-hindi ka uminom ng alak bakit mo ininom yung alak ko?" Nagkatinginan kaming apat sa sinabi ni Cullen.

He thought i'm his boyfriend, fuck. Bakit parang kumirot yung puso ko sa narinig ko?

"Charles he's not A---" Hindi na natapos ni Benj ang sasabihin nya ng sensyasan ko siya na wag nya ng ituloy ang sasabihin nya.

Umupo si Vester sa tabi ni Benj at parang naguguluhan sa nangyayari.

"Sorry lasing na yan ang dami na kasing nainom." Pag explain ni Ken.

Umupo ako sa tabi ni Cullen at nagsalin sa baso ko ng alak. "It's fine."  Sagot ko at tiningnan ang katabi ko na lasing na lasing na.

"Stop drinking or else ihahagis kita sa dagat hindi ka pa naman marunong lumangoy." I said and drink again.

"I-ikaw ba talaga yan Alex? You changed a lot, pero okay lang as long as hindi mo na ako iiwan." Inangkala nya ang braso nya sa braso ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.

Hindi ako si Alex, Cullen....

Nagkatinginan si Benj at Ken habang tumingin naman sa akin si Vester.

"Bakit akala nya ikaw yung boyfriend nya? Magkamukha ba kayo?" Natatawang sabi ni Vester at bigla namang nasamid si Benj.

"What happened? Dahan dahan kasi sa pag-inom mahal!" Hinagod ni Vester ang likod ni Benj.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now