Chapter 16

361 25 5
                                    

"Please submit it tomorrow para umabot tayo sa deadline." I said to the accounting depeartment officer.

"Okay sir copy." He said at lumabas na siya ng office nami ni Cullen.

Speaking of office malapit na akong mag move dito sa office ni Cullen. Inaayos na yung sarili kong office.

Napatingin ako sa pintuan ng magbukas ulit ito at pumasok si Cullen. Napatungo ako ng maalala ko nanaman ang nangyari sa Zamboanga. 

Nakabalik na kami sa Manila kahapon at na aawkward pa rin ako pag nakikita siya, although hindi nya alam yung nangyari samin nung gabing yon. Sinabihan ko rin yung tatlo na wag babanggitin kay Cullen na napagkamalan nya akong si Alex.

"Lunch na, tara lunch out tayo?" Hindi ko siya tinatapunan ng tingin at kunwari ay busy ako pumirma ng mga documents.

"I'm still full pa eh tska madami pa akong ginagawa, sina Vest na lang yayain mo." Sabi ko ng hindi ko siya tintingnan.

"Pwede naman mamaya yan eh. Kain na tayo dali na." Pamimilit nya. 

Paano ko naman tatanggihan to kung ganito siya?

"Next time na lang Cullen busy talaga ako eh." I said and I heard him sigh.

"Okay sunod ka na lang pag nagbago isip mo." He said at narinig ko ang pinto ng office na nagsarado ibigsabihin ay nakalabas na siya sa office.

Napabuntong hininga ako pagkalabas nya. Ang awkward naman kasi! Sanay naman akong makipag make out lalo na noong nasa NYC ako, pero ngayon sobrang na-a-awkward ako siguro dahil I like him then akala nya si Alex yung hinalikan nya?

Buti na lang talaga wala siyang maalala kung hindi lalong mas awkward.

Binitawan ko ang pen na hawak ko at kinuyumos ang mukha ko.

"Damn Justin Jace bakit ka kasi pumayag magpa halik?!" Usal ko.

Hindi ko rin talaga alam bakit ako pumayag noong gabing yon, hindi naman ako lasing non. Dapat hindi big deal to sakin eh but Cullen is different sa mga boys na naka make out ko. He's my closest friend and I like him.

Ang alam ko matapang ako pero bakit parang nagiging duwag ako ngayon?

Sinubsob ko ang mukha ko sa table at nag decide na mag nap na lang muna baka pag-gising ko lumakas na ang loob ko.

Naalimpungatan ako ng marealize kong medyo humaba ang tulog ko, tumingin ako sa relo ko at mag aala-una na.

Kumunot ang noo ko ng mapansing may paper bag dito at may lamang pagkain, may note sa paper bag kaya binasa ko ito.

I know you're hungry, eat this. Lumabas lang ako may meeting ako.
                                                      - Cullen

Napangiti na lang ako sa nabasa ko at binuksan na ang binili nyang pagkain para sa akin.

He really care about me. Kaya hindi talaga siya mahirap magustuhan eh.

Habang kumakain ako ay pumasok si Vester dito sa office namin.

"You look like an idiot while eating." He said and sit infront of my table.

"Wala kang pake." Sabi ko at sinubo ang pagkain ko. Sarcastic kong sinubo ang pagkain ko at nginitian siya.

"Nakakatakot ka, hindi ka naman ganyan dati." He commented. Tinawanan ko na lang siya bilang sagot.

"Teka nga maiba ako iniiwasan mo ba si Charles? Simula noong nalasing siya hindi mo na siya masyadong pinapansin, nagtataka na rin yung tao tinanong kami kanina kung may nagawa ba daw siya sayo." Binaba ko ang spoon and fork ko at tiningnan siya.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now