Chapter 17

344 21 3
                                    

"Kuha tayo ng baking powder." Sabi Cullen. He push the cart and I look for the baking powder.

We are here at our shopping club namimili kami ng pang bake. Ewan ko ba anong trip nito ni Cullen mag bake daw kami sa bahay dahil nabobored daw siya sa condo nya.

Ako pa talaga ang niyaya nya mag bake eh wala akong kaalam-alam sa pagluluto.

"Okay na ba 'to?" Pinakita ko sa kanya ang dalwang box na baking powder na hawak ko.

"Okay na siguro yan?" Tiningnan ko siya at nameywang.

"Marunong ka ba talaga mag bake? Baka masunog ang bahay bamin sayo ha!" Sabi ko sa kanya. Wala pa naman si Vester, may date sila ni Benj kaya walang titingin sa gagawin namin mamaya.

"Nakapag bake na ako dati kaya chill ka lang." He pushed the cart and get the other ingredients.

After namin makumpleto ang kailangan para sa pagbe-bake ay nagdrive na siya papunta sa bahay namin. Sasakyan nya ang gamit namin kasi sinundo nya lang ako kanina.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo mag drive thru tayo?" Tanong nya habang nag da-drive. Tumango na lang ako bilang sagot.

Dumaan kami sa isang fastfood chain at nag drive thru doon. Inabot nya sa akin ang pagkain at sinimulan ko ng kainin yung fries.

"Naiinggit ako gusto ko din kumain kaso nag da-drive ako." He pouted. I rolled my eyes and get once frenchfries at sinubo ito sa kanya.

"Oh ayan wag kana magreklamo." He smirked and eat it.

"Yan, serve me." Hinampas ko siya kaya natawa siya.

Pasalamat ka gusto kita.

Pagkarating namin sa bahay ay agad naming hinanda ang mga gagamitin namin sa pagbebake.

Kung ako ang tatanungin mas gusto ko matulog, wala naman akong hilig sa ganito pero dahil gusto ni Cullen edi sige push.

Ganito pala ako magka gusto no?

"Oh paano to? Paano tayo makakagawa ng vanilla and chocolate cupcake?" Tanong ko ng matapos na namin ihanda ang ingredients.

"Hahaluin muna natin yung mga dry ingredients tapos sa isang bowl yung wet ingredients naman tapos mix mix natin." Pumunta siya sa oven at binuksan na yan yung oven para na mag pre heat.

Sinunod ko naman ang sinabi nya pinagsama sama ko ang mga ingeredients na nasa harapan ko.

"Hindi ganyan para ka namang walang energy mag halo." Inagaw nya sa akin ang bowl at ang pang mix.

I pouted nang kuhanin nya ang mga yon. Nag-sisimula pa naman ako mag enjoy.

"Hey!" Usal ko ng pahiran nya ako ng harina sa pisngi.

"Nakanguso ka kasi dyan eh. Ayan lalo ka naging cute." Tawang-tawa sya sa ginawa nya sa akin. Kumuha ako ng flour at nilagyan ang buhok nya.

"Ayan bagay sayo tutal matanda ka na!" Sigaw ko.

"Justin Jace ang buhok ko!" Kinuha nya ang bowl ng flour at akmang sasabuyan ako kaya tumakbo ako.

"Hoy wag mangangati ako! " Sigaw ko habang hinahabol nya ako.

"Hindi ako papayag na hindi ka magmumukhang multo." Tawa kami nang tawa habang naghahabulan.

"Huli ka!" He pushed me sa may counter at nagkatitigan kaming dalawa sa mata.

Bakit ang gwapo nya pa rin kahit ang messy na ng itsura nya.

"Justin..." I raised my eyebrow. "Ayan bagay sayo!" Sabi nya at nilublob ang mukha ko sa hawak nya bowl kaya napa ubo ako dahil sa ginawa nya. Hahampasin ko sana siya ng tumakbo nanaman siya.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon