Chapter 13

334 21 16
                                    

"Hello, Zambales!" Sigaw ni Benj pagka baba namin ng bus at tumakbo sina Vester at ken papasok sa beach.

Team Building ngayon ng company at mag stay kami dito sa Beach sa Zambales ng three days and two nights kami dito dahil madami kaming  activities na gagawin.

"It's time to relax." Inakbayan ako ni Cullen at ngumiti sa akin.

"Yeah and kailangan kuhanan mo ako ng madaming pictures ha? para may ma post ako sa instagram." Umiling-iling siya ng nakangiti.

"Vain!" He exclaimed and I glared at him.

"Gwapong vain." I smirked.

Nauna na akong maglakad sa kanya papasok sa hotel at hinabol nya naman ako.

Benj, Ken, Vester, Cullen and me will stay at the same suite. The suite have three rooms so may room mates ang apat sa amin at ang isa ay mag-isa lang sa kwarto.

"Ako na lang mag-isa sa kwarto ayokong may katabi." Sabi ni Ken at naglakad na papunta sa kwarto na gusto nya.

"So roommates tayo?" Sabi ko sa katabi ko dahil sigurado naman hindi papayag si Vester na hindi nya kasama sa kwarto si Benj.

Malandi ang kuya ko eh.

"Yeah mukhang hindi naman papayag ang dalwang to na maghiwalay." Tinuro nya si Benj at Vest na kinatawa ng dalawa.

"Buti naman alam mo." Hinawakan ni Benj ang kamay ni Vest at naglakad na sila papunta sa kwarto nila.

"Remind them na team building ang pinunta natin dito at hindi honeymoon nila." I rolled my eyes.

"Bitter ka nanaman." Kinuha nya ang gamit nya at naglakad na rin papuntang kwarto namin.

"Bitter my face!" Sabi ko at sumunod sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag pagpasok ko ng kwarto dahil dalawa ang bed na nandito. I thought magtatabi kaming dalawa sa isang kama.

Binagsak ni Cullen ang katawan nya sa kama at nilagay sa likod ng ulo nya ang mga braso nya.

"Ang lambot ng kama parang ang sarap na may ka cuddle dito." He looked at me and winked.

Tiningnan ko siya ng kunwari ay nandidiri ako sa sinabi nya. "Baka gusto mong suntukin ko utak mo?" Dinampot ko ang isang unan sa kama ko at binato ito sa kanya.

Tumawa naman siya nang tumawa hanggang sa napapakapit na siya sa tyan nya sa sobrang kakatawa.

Tinalikuran ko siya at napangiti.

Kahit inaasar mo ako okay lang bast makita kitang masaya.

"Boys dito!" Sigaw ni dad pagkapasok namin sa restaurant na kakainan namin with them.

Naglakad kaming lima papalapit sa table nila at umupo.

"May kalaban!" Turo ni Ken sa hipon kaya napatingin kaming apat sa kanay pati si dad.

Weirdo. Minsan tahimik minsan parang bata.

"Allergic ako dyan hehe share ko lang." Napatawa naman si dad sa sinabi nya at nakatikim siya ng batok kay Benj.

Naalala ko nanaman tuloy noong inatake ako nag allergies sobrang nataranta sila.

"Allergic ka sa shrimp? Nako ilalayo ko sayo to mahirap na." Sabi ni Stell at inilipat yung isang plato ng hipon sa kabilang side.

"Ikaw allergic ka ba sa mga nakahain dito?" Tanong naman ni Cullen sa akin.

"Hindi, seafood lover ako." Sabi ko at masayang kumuha ng crab. Tumango-tango naman siya at kumuha ng shrimp.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now