Chapter 14

316 20 5
                                    

"Hey stop it!" Sigaw ko nang hindi ako tinigilan ni Cullen sa pagsaboy ng tubig.

"Tara na kasi maglangoy dun!" Turo nya sa medyo malalim na parte ng dagat.

"Kulit mo no?" I rolled my eyes at nagsimula na maglangoy papunta doon sa sinabi nya.

Hindi talaga siya mukhang twenty eight eh. Buti talaga natitiis ko to eh madali pa naman ako mabadtrip pag lagi akong kinukulit.

He's the exception talaga.

"Oy Justin hintayin mo ako hindi ko na abot." Napatingin ako sa kanya at lumulubog lubog siya kaya pinuntahan ko siya at inalalayan.

"Ano ba yan ang tanda-tanda na hindi pa marunong lumangoy." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tanggap ko yung hindi ako marunong lumangoy pero yung sinabi mong ang tanda-tanda ko na hindi ko at kayang tanggapin." Humawak pa siya sa may bandang dibdib nya at nagkunwaring nasasaktan.

"Kung bitawan kaya kita para malunod ka?" Pang-aasar ko ulit. Humigpit naman yung hawak nya sa akin kaya natawa ako.

"Joke lang ito naman hindi lagi mabiro." Napailing-iling na lang ako dahil sa kakulitan nya.

Sinong mag-aakala na ang isang Charles Cullen Santos na gwapo, matalino and successful businessman ay hindi marunong lumangoy?

"Hoy kayong dalawa tama na ang harutan mag ikot tayo para madami tayong pictures!" Sigaw ni Vester na aahon na.

Tumango naman kami at sumunod sa kanya.

Naglibot-libot kami dito sa beach resort at nag picture picture.

"Upo ka dun sa may bridge picturan kita." Tinuro ko ang bridge king saan ko pinapa pwesto si cullen.

"Sabi mo ikaw yung pipicturan ko bakit parang ako na yung nagiging model ngayon?" Tanong nya.

Binitawan ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at tiningnan siya.

"So ang lagay ako lang ang pagsisilbihan mo? Ang special ko naman pala." I smirked.

"Oo special ka." Napatigil ako sa sinabi nya. "Special siopao!" Bigla siyang humalakhak at kinurot ang cheeks ko.

"Malala ka na." I glared at him at tinulak siya.

"Doon ka na nga pumwesto ka na!" Sigaw ko at tawa pa rin siya nang tawa papunta sa bridge.

Kinuhanan ko lang siya ng madaming pictures at naglakad na ulit kaming lima.

"Jace can you take a picture of me?" Sabi ni Ken na naka upo sa may duyan. Yung magjowa ay nagpapicture kay Cullen banda dun sa may magandang tanawin.

"Talent fee ko?" I raised my eyebrow.

"Ano ba yan ang yaman-yaman mo magpapabayad ka pa parang hindi kita kaibigan ah!" Usal nya.

"Bakit magkaibigan ba tayo?" I crossed my arms infront of him.

"You don't like me to be your friend so be my boyfriend." He winked at me.

"Asa ka!" Sabi ko at naglakad palayo sa kanya para kuhanan siya ng picture, narinig ko naman ang paghalakhak nya.

Ken Felip Suson minsan na lang magsalita ang pangit pa ng lumalabas sa biibg.

"Ayusin mo nga yang polo mo mahal!" Rinig kong sabi ni Benj habang naglalakad sila ni Vester at Cullen papalapit sa amin ni Ken.

"Bakit ba? Nasa beach tayo wala sa simbahan." Pag sagot naman ni Vester sa kanya.

Tumakbo papalapit sa akin si Cullen kaya napunta ang atensyon ko sa kanya at hindi na kinuhanan si Ken.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora