Chapter 18

326 20 4
                                    

"Naisip ko lang na it will help
you move on."

"Move on from what?

"Move on from everything that's
keeping you from moving on."

"Stop acting like you know
my pain. Stop acting like you own it.
Hindi ikaw si Celine and you will never be Celine."

Napatingin ako sa mga katabi ko ng marinig ko ang pag hikbi nila.

"Mga iyakin." I chuckled at binigyan ni Benj ng tissue si Vester at binigyan ko  naman ng tissue si Cullen.

Nandito kami sa condo ni Ken at nag momovie marathon. Nakasanayan na yata namin na every weekend na magkakasama pa rin kami at mag bobonding lang pero minsan si Cullen lang ka bonding ko pag weekend.

"Grabe naman ang iyak mo, ikaw ba si Ely?" I chuckled.

"Ehem." Bigla naman inubo si Ken kaya napatingin ako sa kanya.

"B-bakit kasi yan pinanood natin?  nakakaiyak." Reklamo ni Cullen.

"Bakit ang ganda kaya. Nangyayari kaya yung ganyan sa totong buhay?" Vest suddenly asked at biglang natahimik yung tatlo.

"Feeling ko hindi. Kung mangyayari man napaka rare non." Sagot ko at kumuha ng popcorn.

"Ah mahal kunin na natin yung order nating pizza nasa baba na daw, tara." Yaya ni Benj kay Vest kaya natigil ang pagkukwentuhan namin.

Iniba na ni Ken ang movie na pinapanood namin dahil mga iyakin daw mga kasama namin.

"Cullen,Cullen! Take a picture of me nga dun sa veranda." Hinila ko si Cullen papunta sa Veranda.

Sumandal ako sa railings ng veranda at kinuhanan ako ni Cullen ng

"Makulimlim Jah." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Anong Jah?" Tanong ko.

"Jah short for Justin ang haba kasi ng Justin eh." Sumandal din siya sa railings katulad ko.

"Imbento ka! Pwede namang Jace itawag sakin." I pouted.

"Ayoko ng Jace, tawag na nilang lahat yun sayo eh kaya Jah na lang para ako lang tatawag sayo non." He smiled at me.

Suddenly I felt butterfly in my stomach.

"Ang special ko naman masyado ginawan mo pa ako ng nickname." Pagbibiro ko."

"Special ka naman." Dahan-dahan akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi nya. "Special bulalo!" Sabi nya at bigla siyang tumawa ng malakas.

"Ang galing mo mag joke bakit hindi ka maging singer?" I rolled my eyes.

"Shit!" Napasigaw ako ng biglang umula ng malaks kaya pumasok agad kami sa loob.

"Ang lakas ng ulan." Pinagmamasdan nya ang ulan sa may Veranda.

"Galit na galit yung langit." I chuckled.

"Tara ligo tayo sa ulan!" Hindi na ako nakasagot sa pag-yaya nya sakin dahil bigla nya akong hinila palabas ng condo ni Ken.

"W-wait lang maliligo tayo sa ulan? Safe ba yon?" Tanong ko at tumigil siya saglit sa panghihila sa akin.

"Hindi ka pa nakakaligo sa ulan? Then it's time to try it." Hinila nya na ulit ako at wala na akong nagawa.

Palabas na kami ng building ng makasalubong namin si Vester at Benj.

"Bakit kayo tumatakbo? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Vester pero hindi ko na sya nasagot dahil tuloy tuloy lang ang paghila sa akin ni Cullen hanggang makalabas kami ng building.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now