Chapter 8

318 19 3
                                    

"Mauna na ako, Ivivisit ko pa yung iba nating stores." Sabi ni Dad at binaba na ang kubyertos nya at tumayo na.

"Okay po tito ingat po." Sabi nya at tinanguan siya ni Daddy at lumabas na ito ng bahay. Pagkasara ng pinto ay agad kaming tumayo at tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

"Bilisan mo magbihis baka mahuli ka sa audition mo!" Sabi ni Vester na kakapasok lang sa kwarto ko. Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa banyo para magpalit ng damit.

Ngayon ang audition ko sa model agency at tatakas nanaman ako pero this time dapat wala ng humadlang. Ihahatid ako ni Vester sa studio habang siya naman ay papasok sa office siya na bahalang kumausap kay Cullen. Hapon pa naman babalik si dad sa office dahil busy sya mag inspect ng mga stores ngayon kaya hindi nya malalaman na wala ako sa office ngayong umaga kung walang magsususmbong.

Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako pero at the same time masaya ako dahil sa wakas matutuloy na ako sa audition. 

"Gusto kitang samahan sa audition mo kaso hindi pwede kailangan ko pang kausapin si Charles." He said while driving.

"Okay lang, alam ko naman para sakin din yung gagawin mo. Thank you Vester ha? lagi mo akong tinutulungan." I smiled at him.

"Hala soft hours mo ngayon?  Hindi yan ang branding natin ano ba!" Sabi nya at nagtawanan kami.

Pagkarating namin sa SBT ay agad na akong bumaba sa sasakyan at umalis na agad si Vester dahil papasok na siya sa trabaho. Huminga muna ako ng malalim at bago pumasok sa loob ng SBT.

Pagkapasok ko sa loob ay nag fill out agad ako ng form. Masaya akong nag fifill out ng form. May ilan pang model ang naghihintay dito at paniguradong nag a-audition din kami.

Maya-maya ay nagsimula na ang audition at lalo akong kinakabahan. Lagi kong sinasabi na magaling ako pero iba to pangarap ko ang pinaguusapan natin dito.

"Justin Jace De Dios." Tinawag na ako ng staff at tumayo na ako at pumasok sa loob ng studio.

"Are you ready?" Tanong sa akin ng photographer at tumango ako. 

Pinagawa nila ako ng madaming poses at ginawa ko naman lahat ng best ko para maging maganda ang mga shots ko. 

"Nice! Now Chin up a little bit." Sabi ng photographer at sinunod ko naman ito. 

Sunod namang pinagawa nila sa akin ay pinalakad ako. Huminga muna ako ng malalim bago magsimula rumampa. Habang naglalakad ako ay sinasabi ko sa isip ko na kaya ko to. Pagkatapos ko maglakad ay nagpalakpakan sila.

"Thank you Mr. De Dios." Sabi ng isa sa mga pannel. 

Nag usap-usap sila habang ako ay nakatayo lang dito at hinihintay ang result. "Please accept me." Bulong ko sa sarili ko. 

Pagkatapos nilang mag-usap ay tumingin silang lahat sa akin ng nakangiti. "Congratulations you are in!" Sabi ng photographer at naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa gulat.

"Oh my gosh! Thank you so much po!" I bowed at sinamahan na ako ng isang staff palabas ng studio.

Gusto ko magtatalon sa sobrang saya pero may mga tao dito sa labas at nakakahiya. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tatawagan si Vester para sabihin sa kanya ang magandang balita.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng makitang madaming missed calls at text si Vester.

From: Vest friend

Jace pag nabasa mo to bumalik ka na agad dito, galit na galit si tito. Hindi ko na alam yung ipapalusot ko sa kanya.

"Shit!" Usal ko at tumakbo na palabas ng building at pumara ng taxi.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now