Chapter 12

314 27 5
                                    

"Nakaka boring!" Usal ni Vester pag-pasok sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa kanya habang hawak ang phone ko.

"Papuntahalin mo si Benj kung naboboring ka." I said while checking tweets on twitter.

Nakikita ko ang mga tweet ng mga  nakasama kong aspiring model noon  sa New York na gumaganda na ang career ngayon.

Sana all na lang talaga.

"Ayoko nga gabing gabi na baka mapahamak pa yon." Umupo siya sa kama ko at tumingin sa akin na parang may naiisip nanamang kakaiba.

"Napaka over protective mo naman." I rolled my eyes.

"Wala ka lang jowa! Ang bitter mo Justin Jace."

"Bakit pa ako mag boboyfriend kung kaya ko naman mahalin ang sarili ko?"

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nararanasan pero tama yan love yourself muna baka pag nagka boyfriend ka wala kang itira sa sarili mo patay tayo dyan." Sabi ni Vester at hindi ko na siya sinagot dahil nakakuha ako ng chat galing kay Cullen.

Cullen

Why are you still awake past 12 na. Masama pa ba pakiramdam mo?

Napangiti na lang ako sa nabasa ko its been days ng dalhin ako sa hospital pero hindi pa rin siya maka move on dun, nagi-guilty pa rin yata siya.

Nireplyan ko siya at nag chat nanaman siya.

Cullen

Can't sleep? Tara labas tayo sunduin kita dyan.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Ganitong oras lalabas kami? Kakaiba nanaman trip nito. Pero dahil hindi rin naman ako makatulog pumayag ako.

"Oh saan ka pupunta?" Sabi ni Vester ng makitang kumuha ako ng hoodie jacket sa cabinet.

"Magpapahangin lang sa labas." Sabi ko at sinuot ang hoodie ko.

"Sama." Tumayo siya at sinuot ang slippers nya.

"I'm with Cullen." Naglakad ako papuntang pinto at nagsalita siya.

"Jace I know niloko kita kay Charles before pero please guard your heart my boyfriend yung tao." Napatingin ako sa kanya at tinawanan siya.

"Sa tingin mo ba mag kakagusto ako kay Cullen? Kilala mo ako Vest." I smirked at lumabas na ng kwarto.

Dahan dahan akong lumabas ng bahay dahil naka patay na ang ilaw.

Pagkarating ko sa labas ay nagulat akong nakita si Cullen na naka motor bike. Marunong pala siya mag motor? Lalo tuloy lumakas ang charisma nya dahil naka motor bike siya.

"Pumunta ka lang dito just to flex your motor bike no?" I crossed my arm and raised my eyebrow.

"I just want to unwind dummy!" He chuckled and gave one of his helmets to me. Kinuha ko ito at sinuot. 

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang inaayos ang helmet na suot ko

"Sa puso mo joke!" I glared at him. "Punta tayo sa seaside bili din tayo ng beer." Sabi nya at nag iba ang expression ng mukha ko.

"Are you brokenhearted?" Akala ko naman kasi gusto nya lang talaga lumabas.

"Sumakay ka na lang dami mong tanong." He chuckled at sumakay na lang ako sa motor nya. "Kumapit ka baka mahulog ka." Utos nya kaya humawak ako sa balikat nya.

"Dyan ka humawak." Pinulupot nya ang kamay ko sa waist nya.

"W-wag na hindi naman ako malalaglag." Akma kong tatanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya ng hawakan nya ulit ito at ibinalik kung paano ito naka yakap sa katawan nya kanina.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now