Chapter 20

399 25 12
                                    

"Na check mo na lahat ng gamit mo? Kumpleto na ba?" Tanong ni Cullen.

Nandito na kami sa Pilipinas kakababa lang namin sa eroplano.

"Yeah." I smiled at him.

"Tara na?" He asked and I nodded.

After I confessed my feelings wala siyang sinabi or sinagot about doon parang walang nangyari.

Nasaktan ako because I felt na nireject ako but I understand him hindi pa siya nakaka move on kay Alex mas okay na yon kaysa sumagot siya ng hindi atleast may chance pa ako.

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan. Wala naman nagbago after I confessed pero pinapakiramdaman ko kasi siya baka na awkward siya pero hindi ko na babaguhin ang sinabi ko dahil gusto ko talaga siya.

Siya muna ang hinatid sa condo nya. Pababa na sana siya ng hawakan ko ang kamay nya.

"C-Cullen yung sinabi ko noong isang araw o-okay lang kung ayaw mong sagutin pero please wag sana magbago yung pakikitungo mo sa akin." Kinakabahan kong sabi.

"I won't...just give me time to think." He smiled and I just nodded.

Pagkarating ko sa bahay ay kumain na agad kami ng dinner ni dad at Vester.

"Inom tayo Vester." Pagyaya ko kay Vest at napatingin sila ni dad sa akin.

"What happened?" Tanong nya

"May problema ka anak?"

Masyado bang halata na may iniisip ako.

I shooked my head and smiled. "Wala po gusto ko lang uminom." Sabi ko pero mukhang hindi sila sang-ayon

.

"Oh dahan-dahan parang mauubusan ka ng alak!" Panenermon sa akin ni Vester ng inumin ko ng dire-diretso ang alak na nasa baso ko.

Nandito kami ngayon sa rooftop at nakatingin ako sa mga bituin.

"Ang lalim ng iniisip natin ah? May problema ka ba? Parang nireject ka ng lalaki ah." Vester Chuckled.

"Sort of." Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat.

"Gagu totoo? Umamin kana kana kay Charles?" Nagulat ako ng sabihin nya yon.

Alam nya?

"P-paanong..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita ulit siya.

"Tanga na lang ang makakapagsabi na wala kang gusto sa kanya." He smirked and I pouted.

Masyado pala akong obvious?

"So ano umamin ka nga? Busted? Hindi pa siguro nakaka move on sa boyfriend nya yon." Nagulat nanaman ako sa sinabi nya

"Alam mo rin yung about kay Alex?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yeah I heard benj and Ken kamakailan lang pinaguusapan nila yon." I nodded.

Ang masasabi ko lang napaka chismoso ni Vester.

"So ano nireject ka nga?" Tanong nya.

"Not really. Wala kasi siyang sinagot tapos sabi nya kanina bago siya bumaba sa sasakyan mag-iisip muna daw siya." Sagot ko at uminom ulit ako ng alak.

"I think he's confuse. Kasi ang hirap naman talaga ng ganon yung magmamahal ka ng iba eh hindi naman kayo nag break ng nakalipas mo. Pero kung pag babasehan natin yung action nya towards you may chance ka." Pinatong nya ang siko nya sa table at naghalumbaba.

"Alam mo wag mo akong paasahin." I rolled my eyes.

"Tanga hindi kita pinapaasa. Sigurado naman ako kaya ka nahulog sa kanya dahil sa pinapakita nya sayo." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nya dahil totoo naman.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon