Chapter 6

332 17 3
                                    

"Ang alam ko ikaw lang ang mag a-audition, bakit nadamay ako? Inaantok pa ako eh!" Pagrereklamo ni Vest habang papasok kami sa gym.

"You need to exercise  Vest." I said and fix my gym bag kasi nalalaglag yung handle sa balikat ko. Binatukan nya ako at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sabihin mo wala ka lang makasama kaya sinama mo ako dito!" He glared at me.

"Alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong?" I smirked. Akmang babatukan nya nanaman nauna na ako naglakad papasok sa gym na tumatawa.

"Hintayin mo ako bitch!"Sigaw ni Vester kaya lalo akong natawa.

Kinakausap muna ni Vester yung may ari ng gym para sa membership namin. Ako naman ay nasa giid nya lang at hinihintay sila matapos.

"Hey Vester and Jace!" Nagulat ako sa tumawag. 

Hanggang dito ba naman siya pa rin makikita ko?

Lumapit sa amin si Cullen, Benj at Ken na mukhang nag g'gym na dahil may mga pawis pa.

"Hey! Nandito rin pala kayo!" Bati ni Vest sa kanila.

"Hi Benj." Vester smiled ear to ear. Napangiwi naman ako ng bahagya, is he flirting ba kay Benj?

Lumapit naman sa kanya si Benj at binati rin siya. "Hi Vester." Pinanglakihan ko ng mata si Vest at sinabi kong magpaliwanag siya sa akin mamaya.

"Hi Justin!" Pagbati sa akin ni Cullen at inakbayan ako.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinanggal ang braso nyang nakaakbay sa akin. "You are so mapawis nakakadiri ka!" I rolled my eyes.

"Para kayong aso't pusa." Komento ni Ken at siya naman ang sinamaan ko ng tingin. "Sabi ko nga dapat nag shut up na lang ako." He chuckled.

I grabbed my bag na binaba ko sa floor kanina, I want to change my clothes na para maka pagsimula na kami at makauwi rin agad lalo na at nandito tong three idiots na to.

"Hindi ko ineexpect na makita ka dito, I thought you prefer to sleep than to exercise." Cullen chuckled.

"Did you just say na I'm lazy?" I rolled my eyes at padabog nagpunta sa locker ko at magpapalit na rin ng damit.

Sumunod na din pala si Vester sa akin. Habang nkinukuha ko ang damit ko sa bag ay tiningnan ko ng masama si Vester. "What?" Clueless nyang tanong.

"Si Benjamin yung nakaka date mo no?" I glared at him. 

"Hindi Jah. Hindi pa ba obvious?" Natatawa nyang sagot and I smirked.

"Wala pa tayong kalahating taon dito talaga naman!" Umiling-iling ako at nilagay sa locker ang gym bag ko.

"Hayaan mo ikaw na susunod magka lovelife." Pang-aasar nya sa akin at naglakad na siya papasok sa shower room para magpalit ng damit.

"Asa ka!" Sigaw ko at pumasok na rin sa isang shower room.

Lumabas na kami agad ni Vester pagkapalit namin ng damit.  Nag warm up muna kami para hindi kami mabigla. Yung tatlo naman ay busy magkwentuhan habang may hawak na dumbell. 

Pumunta lang yata sila dito para magkwentuhan.

Pagkatapos namin mag warm up ay nag treadmill ako. Si Vester naman ay nandoon kay Benj, isa pa to kalandian lang yata dinayo dito. Rekla-reklamo pa kanina na sinama ko siya dito tapos ang saya-saya nya na ngayon porket nandito si Benj.

Nakikinig lang ako ng music sa airpods ko ng mapansin ko na may tao na sa katabi kong threadmill. Napatingin ako at automatic na  napa simangot ako ng nakita kung sino ito.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now