Chapter 2

437 21 4
                                    

"I can't do this Vest." Sabi ko at hinampas ng mariin ang manibela.

Tumingin naman siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"What are you talking about? Magdadrive ka lang hindi mo pa kaya?" Sabi nya at napasapo naman ako sa noo ko.

Minsan talaga ang sarap keltukan nitong pinsan ko eh.

"Hindi yon! Ang sinasabi ko ayokong pumasok sa office." Sabi ko at sinubsob ang mukha ko sa minibela.

"Hindi pa nagsisimula suko ka na agad?" Sabi nya at umayos naman ako ng upo.

"Kung yung work lang kaya ko yon alam mo yan pero that Cullen guy ang creepy nya, nakita mo ba kung paano nya ako tingnan kahapon? Baka kung ano pa gawin sa akin nun siya pa naman mag te-train sa akin." Inis na sabi ko.

Maghapon kaming magkakasama kahapon dahil pinakilala kami sa buong building and ang weird lang kasi lagi akong tinititigan ni Charles Cullen.

"Judgemental ka! Baka naman nsgagwapuhan sayo or baka type ka?" Vester Chuckled.

"Type? The fuck 28 na yon 23 pa lang ako! Gwapo siya, maganda katawan nya pero ang creepy na pa rin!" Usal ko.

"Ano sabi mo gwapo? Eh baka naman kaya na bobother ka kasi ikaw ang may type sa kanya? tsaka duh age doesn't matter!" Sabi ni Vester at nilapit pa ang nukha sakin at ngumiti ng nakakaloko.

Napangiwi naman ako sa sinabi nya at inistart na lang ang makina ng sasakyan. "Yuck! Tumahimik ka na nga dyan malelate na tayo." Sabi ko at sinimulan na magmaneho.

"Ikaw ang kanina pang ayaw umalis dito sa tapat ng bahay eh." He rolled his eyes at sinuot ang airpods nya.

Habang nag mamaneho ako iniisip ko pa lang ang mga paperworks na dapat kong gawin at ituturo sa akin parang gusto ko ng dumiretso ng airport at bumalik ng New York. Hindi sa hindi ko kaya yung trabaho, kaya ko yun kahit hindi ako turuan ni Cullen sadyang hindi lang talaga pagiging CEO ang nasa puso ko. I want to be a model an international model to be exact kung hindi lang kontrabida si dad baka natupad ko na ang pangarap ko. Kung nandito lang si mom...kaso wala na siya eh.

Pagkarating namin sa company as usual binabati kami ng mga nakakasalubong namin.

"Jah sama ako sayo sa office ni Charles dun ako pinapadiretso ni Benjamin eh." Sabi ni Vester habang nasa elevator kami at tinanguan ko lang siya.

Aside pa sa tuturuan ako ni Cullen the creepy guy eh mag share muna kami sa office nya para daw matutukan nya ako sabi ni dad. Baka nga yung ituturo nya alam ko na eh, duh!

Pagkarating namin sa floor kung nasaan ang office ni Cullen ay naglakad na kami at binati kami ng secretary nya.

"Good Morning Sir." Masiglang bati nito.

"Good Morning. Nandyan na ba si Benjamin at Charles?" Masiglang bati din ni Vest sa kanya. Napaka friendly talaga nito kaya lagi nasasaktan eh ang bilis ma attached.

"Yes sir. Kanina pa po nila kayo hinihintay." Sabi ng secretary ni Cullen at pumasok na kami sa office ng boss nya.

Pagkabukas ni Vester ng pinto ay napatingin agad sa amin si Ken, Benjamin at Cullen.

"Good Morning!" Masayang bati ni Vest at naglakad kami papalapit sa kanila.

Ayan nanaman mga titig nila lalo na yung titig ni Cullen. Ano ba meron sakin ha? Hindi pa nga ako model na starstruck agad kayo sakin.

"Good Morning Vester and Al-- Justin." Bati ni Cullen at tinaasan ko siya ng kilay.

Only my mom can call me Justin.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now