Chapter 4

355 17 3
                                    

"Jace we're here to unwind, hindi para magmukmok! Ngumiti-ngiti ka naman dyan!" Sigaw ni Vest dahil malakas ang music dito sa bar. Ininom ko ang alak na nasa baso ko at inubos ko ito.

"Wag mo ako intindihin." Sabi ko naman sa kanya.  

"Wag mo na damdamin yon. madami pa namang modeling agency dyan!" He said in to my ears at hinagod ang likod ko. I frawned a bit at nagsalin ulit ng alak sa baso ko.

Weekend today kaya nakapag bar kami ni Vester. Nagyaya ako mag bar dahil gusto ko mag-inom ilang araw ng masama ang loob ko dahil hindi ako nakapunta sa audition ng modeling agency na nag email sa akin.

"Bwiset kasi yung Cullen na yun eh! Makakapunta na sana ako!" Naiinis kong sabi.

Kumain siya ng chips at ininom ang whiskey nya bago magsalita. "Wag mo na sisihin si Charles ginagawa nya lang siguro trabaho nya." Pagdepend nya kay Cullen.

"Trabaho nya rin na habulin ako? Parang wala na yata yun sa job description nya?" I rolled my eyes.

"Baka naman kasi he's really concern about you. Baka ayaw nya lang na mapagalitan ka ni tito kung sakaling nakatakas ka." He smirked. Gusto ko maduwal sa sinasabi ni Vester.

"Ang sabihin mo, katulad lang siya ni daddy they don't want me to be free." Sabi ko at uminom ulit ng alak. Hindi ko alam kung nakaka ilang baso na ako ng alak pero gusto ko talaga uminom ng madaming madami ngayon.

I just want to do what makes me happy, masama ba yon? Bakit kailangan pilitin ako sa ayaw ko? Bakit kailangan gawin ko yung mga hindi ko gusto? Hindi ba pwede maging malaya na lang? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila para sa akin? Hindi ba pwedeng habang ginagawa ko yung gusto nila para sa akin ay nagagawa ko rin yung gusto ko?

"Hoy tama na yan!" Pagpigil sa akin ni Vester sa pag-inom ng alak. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang pag-inom ko dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Fuck!" I exclaimed at sumandal sa couch na kinakaupuan ko.

"Vester, Jace?" Napatingin ako sa tumawag sa amin.

What the fuck? Hanggang dito ba naman sinsundan nya pa rin ako?

"Hey Benj, Charles and Ken!" Bati sa kanila ni Vester at tinanguan ko na lang sila bilang pagbati.

"Can we join you?" Tanong ni Ken at tumingin sa akin si Vest. 

"Sure!" Sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinagot nya.

Isa-isa na silang umupo at kung minamalas nga naman katabi ko pa si Cullen. Nakatingin lang siya sa akin habang umiinom ako.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Tusukin ko mata mo eh!" Sigaw ko sa kanya at uminom ulit ng alak. Tinawanan naman niya ako. 

Lagi na lang siyang tumatawa, baliw ba siya?

"Jace!" Pagsaway sa akin ni Vest kaya natawa lalo yung tatlo pero hindi ko sila pinansin. "Sorry Charles, nakadami na kasi ng inom yan kaya ganyan yan eh." Sabi ni Vester.

"Okay lang, masungit naman talaga yan kahit hindi lasing." He chuckled at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang daldal mo!" Sigaw ko sa mukha nya. Natawa naman siya habang umiinom ng alak.

Pinuno ng ingay ang table namin dahil sa mga kwentuhan nila habang ako ay umiinom lang dito ng tahimik.

Bakit kasi nandito pa mga to? Hanggang rest day ba naman si Cullen pa rin makikita ko? Nakaka suka ha!

"Mahilig din pala kayo mag nightouts?" Tanong ni Vest sa tatlo.

"Kami lang ni Benj." Sagot ni Ken.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now