Chapter 3

360 21 3
                                    

"Dalhin mo 'to kay Ken. He will review this." Sabi ni Cullen at nagpameywang ako sa harap nya.

"Bakit kailangan ako pa? Hindi ba pwede yung secretary mo na lang?" Naiirita kong sabi.

"Hindi pwede Justin para malaman mo din agad yung opinion ni Ken." Pagpapaiwang nya ng nakangiti.

Hindi ba napapagod to ng kakangiti sakin? Isang linggo na ako dito at lagi siyang ganyan kahit sinusungitan ko siya. Kasama ba yan sa utos ni Dad?

"Fine!" Sagot ko at nagdabog palabas ng office nya narinig ko naman ang pagtawa nya at lalo akong nainis.

Dire-diretso lang ako naglakad papunta sa office ni Ken. Nakasalubong ko ang secretary nya magsasalita pa lang ito pero dirediretso na akong pumasok sa office ng boss nya.

Pagpasok ko ay napatingin sa akin si Ken na nagbabasa ng kung ano mang dokumento na hawak nya.

"Here are the files that you need, review it now para maayos ko agad." Inabot ko sa kanya yung folder.

"Then sit down." Sabi nya at sinunod ko naman siya. 

Nag scroll lang ako sa cellphone ko habang hinhintay si Ken matapos ng may nag notif sa akin na email. 

"Oh shit!" Mahina kong usal at napangiti. 

"What happened?" Tanong ni Ken.

"None of your business." Sagot ko na lang at binalik ang tingin ko sa cellphone ko narinig ko naman na nag smirk si Ken.

I got an email from a model agency. Nagsend ako sa kanila noong isang araw ng head shot ko and other photos. Binasa ko pa ang nakalagay sa info at pinapapunta nila ako bukas after lunch sa studio nila for audition.

I want to go but office hours yon kokontrahin nanaman ako ni Cullen pag nagpaalam ako. Hays bahala na basta kailangan ko makapunta bukas. Oh I need to buy new clothes later for tomorrow.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay natapos na ni Ken basahin ang dokumento at tinuro nya sa akin ang kailangan ko pang baguhin. 

"Thank you Ken!" Masaya kong sabi sa kanya at lumabas na sa office nya.

Naglalakad ako pabalik sa office ni Cullen na masaya. I'm so happy sana magtuloy-tuloy na.

"Cullen okay na may minor changes lang daw." Nakangiti kong sabi sa kanya. Napakunot ang noo ko ng nakatulala siya sa akin kaya winagayway ko ang kamay ko sa harap nya.

"Huy!" I chuckled.

"A-ah sige gawin mo na para matapos na." Sagot nya.

"Okay!" Masigla kong sabi at naglakad na pabalik ng table ko.

Uupo na sana ako sa swivel chair ko ng tawagin ako ni Cullen. "Justin?" Tumingin lang ako sa kanya at nginitian siya.

"Bagay sayo ang nakangiti." He said at humarap na sa computer nya. Napakunot ang noo ko at napatawa ng bahagya.

Weirdo!

Ngayon lang ako sumigla habang ginagawa yung trabaho ko. Modelling na lang talaga ang nagpapasaya sa akin. Alam kong hindi pa naman ako tanggap pero being a shortlisted sa isang model agency ang laking impact na nito sakin.

"Pwede i-check yung nirerevise mo?" Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala si Cullen sa tabi ko. Inabot nya ang mouse at napalingon ako sa kanya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Mas gwapo pala siya sa ganitong view.

"Ito ilipat mo dito sa kabila." Sabi nya at tumingin siya sa akin kaya nagkatitigan kami.

"A-ah okay copy." Sabi ko at umayos ng upo.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt