Chapter 10

365 16 3
                                    

"Manang nasaan na po yung lasagna?" Rinig ko ang boses ni Vester habang naglalakad ako pababa sa hagdan.

"Wow parang may birthday lang ang daming pagkain." Yun na lang ang nasabi ko pagkadating ko dito sa dining area. 

"Syempre may bisita tayong darating kaya dapat special yung mga pagkain na ihahanda natin." Sabi ni Vester na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa lamesa.

May maids naman kami bakit hindi na lang siya mag relax?

"Makapaghanda ka naman akala mo hindi mo nakasama jowa mo ng isang taon. Araw-araw na nga natin kasama yung tatlo. Tsaka for your information pupunta sila dito kasi may tatapusin tayong work hindi para magbonding." I sat down at kumuha ng isang pirasong grapes at sinubo ito.

"Akala mo naman hindi siya excited na makita si Charles tsaka kayo lang naman talaga ang magtatrabaho no nakisali lang kami." Ngumisi siya at binato ako ng nirolyo nyang tissue.

"Stop that nonsense joke may boyfriend yung tao." Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan ko. 

"Sorry I forgot." Ngumiti siya at nagpeace sign. "Pero nasaan kaya yung boyfriend nya no? Hindi natin nakikita tapos parang ilag pa yung tatlo pag nababanggit yung Alex." Umupo siya sa katabi kong upuan at naghalumbaba .

"Mind your own business ang chismoso mo talaga Vest." I rolled my eyes.

"Imposibleng hindi ka nacucurious sa boyfriend ni Charles?" Sabi nya at hindi na ako sumagot.

Ayoko ng pagusapan dahil wala naman akong pakialam don. Tsaka halata naman ayaw pagusapan ni Cullen yung tungkol doon. Baka kasi lowkey relationship lang ang meron sila at ayaw ipaalam sa iba? 

"Sir nandito na po yung mga bisita nyo." Sabi ng maid kaya napatingin kami sa kanya, kasama nya na yung tatlo. Biglang tumakbo si Vester kay Benj at niyakap ito napa iling na lang ako at lumapit sa kanila.

"Napakaharot talaga." Bulong ko at natawa naman si Cullen, narinig nya yata yung binulong ko.

"Remind me na trabaho ang pinunta natin dito hindi kaharutan ni Benj." Sabi ni Ken kaya nakatanggap siya ng batok kay Benj. 

"Shut up Felip." Ma awtoridad na sabi ni Benj kaya natahimik si Ken.

Takot pala to kay Benj? Sabagay mukhang nakakatakot nga rin magalit tong si Benj.

"Ayan kasi." Panunukso sa kanya ni Cullen at sinamaan naman siya ng tingin ni Ken.

 "Stop teasing each other tara na sa dining para makakain na tayo at magsimula na sa gagawin natin." Pagsaway ko sa kanila at sumunod naman sila sa akin.

"Nasaan si tito?" Tanong ni Cullen habang kumakain kami.

"Umalis, I don't know kung saan siya nagpunta." Sagot ko at inabot ko ang lasagna na niluto ni Vest.

Vest is a good cook, mabubuhay ka talaga pag siya ang kasama mo sa bahay.

"I see." Tumango-tango siya. "Nakatulog ka ba ng maayos late na naman tayo nakauwi kagabi." Tanong ni Cullen. 

"Nakatulog agad ako pag-uwi kakagising ko nga lang din pagkadating nyo." Sagot ko sa kanya at ngumitin naman siya.

Isusubo ko na sana ang lasagna ng mapansin kong nakatingin sa amin si Ken, Benj at Ken.

"Hindi pa rin ako sanay na mahinahon kayong nag-uusap." Nakangiting sabi ni Vester.

"Ako rin." Pag-sangayon naman ni Benj

"Sige damay nyo na rin ako." Ken smirked.

Nagkatinginan kami ni Cullen at tinawanan na lang sila. 

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now