Chapter 25

719 29 39
                                    

"Ayoko na Cullen masakit na." I deep sighed and he looked at me.

"Nagsisimula pa lang tayo Jah." He pouted. 

"Ayoko na nga kasi Josh." I turned my back on him.

"Jah wait don't go. I don't want to be alone."  He grabbed my shoulder. Tumingin ako sa knya ng walan gana at inirapan sya.

"Putangina anong drama yan? nag tatrampauline lang tayo dito may eksena na kayon ganyyan?" Pagsusungit ni Benj at nagtawanan naman si Ken at Vester sa sinabi nya.

"Si Jah kasi kakasimula pa lang natin umaayaw na agad." He pouted again.

"Grabe hindi na ikaw yung Charles na kaibigan ko. Hindi ka ganyan bro, nawawala anags mo para ka ng baby ngayon pagkasama si Jah." Bigla akong napangiti sa sinabi ni Paulo. 

"Hays does it mean you like me na?" Pang-aasar ko kay Cullen at umiwas naman sya ng tingin sa akin. 

What a cutie?

"Charles was too stunned to speak!" Pang-aasar rin ni Ken kaya nahampas sya ni Cullen.

Hays these two talaga! 

"Nagsimula nanaman ang mga feeling bata." Benj rolled his eyes.

"On a serious note pagod na talaga ako and I'm hungry na." Hinawakan ko ang tyan ko pra mas convincing.

Agad naman ako inakbayan ni Cullen.

"Hays tara na nga gutom na bebe ko." He winked at me.

Anong sabi nya? Bebe nya ako?

The fuck Charles Cullen binabaliw mo ako.

"Jace was too stunned to speak!" Pang-gagaya ni Vester kay Ken.

I crossed my arms and raised my eyebrows.

"Wag nyo na lokohin bumabalik pagiging mataray ni Jah eh." Cullen said and pinched my nose.

Pagkatapos nila kami asarin nag drive na kami papuntang mall dahil doon kami kakain may bibilhin din kasi ako kaya nag suggest ako na sa mall na lang kami bibili.

"Kayo na mag choose ng food may bibilhin lang ako."

"Samahan na kita Jah." Cullen offered.

"Okay tara na."

Tahimik lang kaming naglalakad habang hinahanap yung store na bibilhan ko ng damit. Naramdaman ko na lang na nag intertwine ang kamay namin ni Cullen.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan at ngumiti aiya sa akin.

"Perfect pala yung kamay mo sa kamay ko no?" He said and my heart beat fast for the nth time.

Wala na hindi na talaga ako makaka-ahon nito.

"Kung talagang perfect yung kamay ko sa kamay mo wag mo na akong pakawalan." I winked at him.

Patagal nang patagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Cullen at the same time nakakatakot kasi baka madehado lang ako sa dulo.

"It looks good on you." Tinapat sakin ni Cullen ang hawak nyang denim jacket at sinisipat kung kasya ba sakin or bagay ba sa akin.

"You have taste talaga sa mga clothes. Ang ganda nito." Kinuha ko sa kanya ang jacket at hinawakan ito.

"Hindi lang sa clothes ako may taste, pati na rin sa taong gusto ko." Mahina nyang sabi pero sakto lang para marinig ko.

Magsasalita na sana ako ng maglakad sya ng palayo sa akin.

I don't want to assume things pero sinasabi nya bang gusto nya na ako?

Susundan ko sana siya ng lapitan ako ng isang sales lady. "Hi Sir naiwan nyo po kanina dito buti bumalik kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya at inabot nya sa akin ang isang paper bag.

Sinilip ko ang laman nito at mga paint materials ang laman nito.

"Baka nagkakamali ka hindi sa akin to and hindi ako nanggaling dito kanina. Ngayon lang ako nagpunta dito." Binalik ko sa kanya ang inabot nyang paper bag. Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo ng sales lady.

"Sure po kayo? Kayo po yung nakaiwan nito kanina sure ako." Napakunot na rin ang noo ko sa sinabi nya.

"Baka nagkakamali ka lang. Hindi nga ako marunong mag paint eh." Yun na lang ang sinabi ko at naglakad na ako papuntang cashier.

"Are you done?" Tanong ni Cullen at kinuha nya ang isang paper bag na hawak ko.

"Yes, balik na tayo gutom na ako." Natawa naman sya sa sinabi ko at tumango na lang.

Pagbalik namin sa restaurant ay naka serve na ang mga inorder nilang food pero hindi pa sila nagsisismula kumain dahil hinihintay nila kami ni Cullen at umalis din pala si Vester dahil may bibilhin daw.

"Bakit hindi mo sinamahan kuya ko? Ano ba yan jowa no yun eh hinayaan mo mag-isa." Pabgloloko ko kay Benj.

"Ayaw ako isama eh." Masamang loob na sabi nya.

"Eh saglit lang naman daw si Vester akala mo naman hindi kana babalikan." Sabi ni Ken at nakatikim tuloy sya ng masamang tingin kay Benj.

"Gutom kana Jah? Gusto mo mauna kana? Kami nalng maghintay kay Vester."

"Okay lang pabalik na rin naman yun." I lean my head on his shoulder.

Bigla ako nakaramdam ng antok ipipikit ko na sana ang mata ko ng dumating si Vester.

"Oh nandito kana agad Charles? Kakakita ko lang sayo sa may elevator ah?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Pangalwang beses na to ngayong araw.

"Ha? Pinagsasabi mo? Kanina pa kami nandito ni Cullen and hindi kami nag elevator." Sagot ko sa kanya.

"Ha? Eh tinawag pa nga kita kaso hindi mo ako pinasin dirediretso ka pumasok sa elevator." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Alam mo gutom lang yan. Tara kumain na tayo." Yun na lang ang sinabi ko.

Napatingin ako kay Cullen, Benj at Ken at pansin na bigla silang tumahimik.

Hays baka gutom na rin.

Pagkauwi namin sa bahay ay pinipilit pa rin ni Vest na ako daw yung nakita nya sa may elevator kanina.

"Sure talaga ako Charles ikaw talaga yung nakita ko! Magkakulay pa kayo ng shirt eh!" Napairap na lang ako dahil hindi pa rin siya maka getover sa nangyari kanina.

Nandito kami sa kwarto ko nakahiga at nagkukwentuhan.

"Kulit mo naman hindi nga ako yon! Baka kahawig lang." I said.

"Kahawig? Eh kamukhang kamukha mo nga! Ano yon doppelganger mo?" Umupo sya at humarap sa akin.

"Jusko lawak ng isip mo Vester dami ko ng iniisip idadagdag mo pa yan!" Naiinis kong sabi.

Hindi na sya nagsalita pero halatang iniisop nya pa rin yun. Knowing Vester iisipin nya yin hanggat hindi sya magka peace of mind.

"Kung hindi ikaw yon at hindi mo doppelganger yon... Sorry Charles ha pero isa lang naman ang alam natin na kamukhang kamukha mo." Napatingin ako sa kanya at napaupo na rin dahil sa naisip nya.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi kaya si Alex yung nakita ko?" Bigla naman akong napatigil sa sinabi nya.

"What the fuck kuya Vester? Si Alex? Matagal ng patay yon!"

"Are you sure? Diba hanggang ngayon hindi pa nakikita yung katawan ni Alex?"

Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Vester. Si Alex din ba yung sinasabi ng sales lady kanina na kamukhang kamukha ko?

Buhay ba talaga sya? Kung oo bakit hindi sya nagpapakita kay Cullen.

"I think you're right kuya. Maybe Alex is alive and we need to know the truth."

---
Pasensya na sa mga typo hindi ko na dinouble check hehe.

Hi guys baka naman may alam kayo na may extra ticket for dd con? VIP, patron A, patron B or lower box po sana naubusan kasi ako huhu.







Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now