Chapter 7

316 18 2
                                    

"How's New York? Ang laki nyo na! noong huli namin kayong nakita ng lolo nyo ang liliit nyo pa" Salubong sa amin ni lola pag dating dito sa bahay nila. 

Ngumiti na lang ako bilang sagot.

"Lola namiss ko po kayo!" niyakap sila ni Vester tumingin sa akin si lola at niyakap din ako.

Nandito kami Sa Cavite ngayon binibisita namin si Lolo at lola, parents ng mommy namin ni Vester. Ngayon lang kami nagka free time kaya ngayon lang kami nagpunta.

"Lola!" I hugged her tightly.

"Ang gwapo gwapo mo kamukhang kamukha mo ang mommy mo." Hinaplos ni lola ang mukha ko. Hindi ako nagpakita ng kahit ano mang reaksyon.

Si lola at lolo ang nag alaga kay Vester noon nang mauna magpunta ang parents ni Vester sa New York. Ako naman ay laging bumibisita dito noon at nilulutuan nya ako ng masasarap na pagkain.

"Sus hanggang ngayon lola's boy pa rin kayong dalwa." Sabi ni lolo na kakalabas lang ng bahay at tumakbo naman kami papunta sa kanya.

"Lolo!" Sigaw namin ni Vester at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

Katulad pa rin noong bata ako isa sila sa nagpapasaya sa akin.

"Nasaan ang pasalubong ko?" He playfully said.

"Meron lolo nasa bag po, hindi namin yun malilimutan ni Jace no!" Sabi ni Vester at inakbayan ako.

Pagkatapos namin magkamustahan ay pumasok na kami sa loob ng bahay at kumain na kami. Masaya kaming nagkukwentuhan habang nasa hapag kainan. 

Namiss ko 'to sobra.

"Ano ang pinagkaabalahan nyo sa New York? Baka kung ano-anong kalokohan ang ginawa nyo don ha!" Natatawang sabi ni lolo at si lola naman ay nilalagyan kami ng ulam sa pato namin.

"Matino ako sa New York lolo, hindi ko lang alam kay Jace." Pang-aasar ni Vester at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy mabait kaya ako!" Sagot ko at natawa naman ang grandparents namin sa aming dalawa ni Vester.


Pagkatapos namin kumain ay pumunta ako dito sa rooftop mag-isa. Pag nag stay ako noon dito sa bahay ni lolo at lola lagi akong tumatambay dito pag gusto ko ng katahimikan, umuupo lang ako at tintitigan ang alapaap katulad ng ginagawa ko ngayon.

"Sabi na nandito ka lang eh." Napatingin ako sa nagsalita at si lolo pala ito. tinapik-tapik nya ang balikat ko at umupo sa tabi ko.

"Kamusta ka apo?" Tanong ni lolo.

"I'm fine po lolo." I smiled at him. Binalik ko ang tingin ko sa langit, hapon na at malapit na lumabas na ang sunset kaya lalong magiging maganda ang pinagmamasdan ko.

"Naalala ko noong bata pa kayo ni Vester ang kulit-kulit nyo gustong guto nyo lagi nakikipaglaro sa amin ng lola nyo. Ang saya-saya nyo lagi." Pagkukwento ni lolo. Sinulyapan ko siya saglit at nakangiti siya habang nagkukwento.

"Pero ngayon nakikita ko sa mata mo na malungkot ka." Sabi ni lolo at napalitan ng lungkot ang ngiti nya.

"Lolo.." Wala akong masabi dahil totoo naman yun.

I sighed heavily. Kilalang kilala pa rin ako ni lolo kahit matanda na ako at kahit ngayon lang ulit kami nagkita.

"Mabigat pa rin ba?" Tinuro ni lolo ang puso ko. Hindi ako sumagot at ngumiti siya.

"Alam ko naman na hindi madali, pero subukan mo naman maging masaya apo. Alam mo ba yan ang araw-araw na pinagdadasal namin ng lola mo na sana gumaling na ang sugat dyan sa puso mo." Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni lolo. 

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now