Chapter 11

329 17 5
                                    

"Congratulations son you did great!" Pag compliment sa akin ni Dad. 

Nagkatinginan kami ni Cullen at ngumiti sa isa't-isa kung pwede lang tumili dito sa loob ng office ni daddy baka ginawa ko na.

After weeks of a sleepless night and hard work natapos na ang unang proposal ko at luckily na approved ito ng board.

"The board loves your proposal Jace, you're improving." Dad pats my shoulder.

"Thank you dad." Pasasalamat ko. "Thank you rin sayo Cullen for helping me." I said and bump my shoulders to him.

Cullen helps me sa lahat. Hindi nya ako iniwan, paghating gabi na nasa office pa ako hindi nya hahayaan na matira akong mag-isa lagi kaming sabay umuuwi. He's really a good friend.

"Sus para yun lang, magaling ka lang talaga." He smiled at me and I smiled back.

"You seem so close lately ah." Sabi ni dad kaya napatingi kami sa kanya ni Culen.

"Of course araw-araw kaming magkasama dad paanong hindi kami magiging close." Paliwanag ko and he just shrugged his shoulder.

"Tito I know what are you thinking, we're just friends lang po." Sagot naman ni Cullen para tumigil na si daddy.

Yeah we're friends. Like besties ganon.

Pagkatapos namin makausap si dad ay bumalik na kami sa office namin para kunin yung mga gamit namin at umuwi na.

"Let's celebrate!" Sabi ni Cullen habang palabas kami ng company.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong dahil bigla na lang siyang nagsalita.

"Your dad was happy with the result of your hardwork so let's celebrate." Para siyang proud parent sa lagay nya ngayon, mas masaya pa siya sa akin.

But I will be happier kung magagawa ko na yung gusto ko. Masaya naman ako, gusto ko pa nga tumili kanina sa loob ng office ni dad kaso parang may kulang pa rin.

"Ayoko wala ako sa mood." Sabi ko at nawala ang ngiti nya.

"Bakit? Hindi ka ba masaya na natuwa sayo daddy mo?"

"Masaya pero...."

"No buts mag celebrate tayo, kakain tayo sa labas." Hinawakan nya ang braso ko at hinila palabas ng elevator.

Bakit nakakasanayan nya na yata akong kaladkarin?

"Huy ayoko nga tsaka ang crowded panigurado sa mga restaurant ngayon friday eh." Palusot ko.

Anong connect kung friday?

Tumigil kami dito sa may parking lot. Binitawan nya ako at nag pameywang sa harap ko.

"Anong problema natin ha? Bumabalik ka nanaman sa pagsusungit?" Sabi nya at naglungkot lungkutan pa. Natawa naman ako ng bahagya.

He's so cute, parang bata.

"Wala ayoko lang talaga lumabas haha." Pagsisinungaling ko.

"Edi sa condo ko na lang tayo. What do you think? Hindi crowded dun tsaka ipagluluto na lang kita yun na yung award ko sayo." He look so excited while saying that.

"Pag ba humindi ako papayag ka?" I raised my eyebrows.

"Syempre hindi, kaya sakay kana sa kotse mo sundan mo na lang sasakyan ko." He grabbed my shoulder at pinasakay ako sa sasakyan ko.

Pagkasakay ko sa sasakyan ko ay napatawa na lang ako.

Bukod kay Vester ikaw lang nakaka gawa nito sa akin Cullen.

Glimpse of Memories (JoshxJah)Where stories live. Discover now