Chapter 5: Alpha Kappa Omicron Fraternity

37.1K 1.4K 115
                                    

Chapter 5: Alpha Kappa Omicron Fraternity

"Alpha Kappa Omicron ay gawa-gawa ko lang. Kung nag e-exist talaga ito ay hindi ito kaparehas sa totoong fraternity na iyon. Pasintabi rin sa may mga fraternity dito. Thank you so much." 


Sakura's Point of View

Nagpasya ako na hindi muna  pumasok sa school dahil kailangan ko maging stable ang katawan ko. Ginagawa ko ang lahat para maging malakas ito. Araw-araw akong nag eexercise at kumakain ng marami. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Karol dahil baka raw tumaba ang katawan ni stupid. Wala naman akong pake doon dahil ang mas importante sa akin ngayon ay makaganti kay Alexei.

At sa totoo lang hindi madaling hanapin si West Fuentabella na lalo kong kinaiinis. Ilang araw na naming ginagawa ang paghahanap sa buwisit na iyon. Hindi pala pumapasok ang lalaking iyon at tuwing exam lang siya lilitaw. Minsan naman ay tumatambay siya sa school kapag kinakailangan lang.

Napag-alamanan ko na ang Alpha Kappa Omicron is the largest and powerful fraternity in Philippines ayon kay google. It has 1012 chapters around the country.

Ayon kay Russell, si West ay ang pinaka dominant na president sa buong chapter ng Alpha Kappa Omicron at dahil doon kaya lalo silang kinatatakutan sa Rose University. Ang sabi niya pa, sa lahat daw ng mga president ng bawat chapter ng Alpha Kappa Omicron ay mas pabor ang mga advisors kay West Fuentabella, Chapter Alpha Alpha.

Hindi ko maiwasan tumaas ang aking kilay dahil sa mga sinabi ni Russell.

Kaya pala ganun na lang ang ilag ng mga nasa student council kay West. Tamang-tama nga siya para gamitin.

Narito ako sa isang park at hinihintay ko ang dalawa.

Matapos ang insidenteng iyon ay tinanggap ko si Russell bilang kaibigan ko dahil number one ay kailangan ko siya at number two ay napansin ko ang husay niya sa pagreresearch. In short, magagamit ko siya.

Well? Ganito naman talaga sa mundo ng pagkakaibigan.

"Sakura!"

Nakita ko sina Karol at Russell na tumatakbo papunta sa akin.

"Ano? Nakita niyo na ba siya?"

"Nandito siya ngayon sa park," hingal na hingal na wika ni Russell.

"Here?"

"Yes."

"Paano ka nakakasiguro?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Pinsan ko ang ka-frat member ni West."

"Yun naman pala! May pinsan ka pala na nasa frat. Bakit ngayon ka lang nagtanong?!" pinanlakihan ko pa siya ng mata. Nakakaasar!

Napalunok si Russell dahil sa sinabi ko. "Ngayon lang siya s-sumagot sa mga text ko at mahirap din hagilapin ang pinsan kong iyon," halos na pabulong na sabi niya.

I rolled my eyes. Darn it!

"Ikaw talaga Sakura ang init ng ulo mo agad," napapailing na wika ni Karol. "Don't mind her," pag-aalo ni Karol kay Russell.

"Damn! Let's go," yaya ko sa kanila pero hinarap ko uli si Russell. "Lead the way, Miss."

Marahan siyang tumango at nagsimula nang maglakad.

Kasabay kong maglakad si Karol. "Ikaw talaga. Nagpalit kana ng katawan pero hindi pa rin nagbabago yung ugali mo," wika niya.

Tinignan ko lang siya saglit at nagkibit-balikat. I don't care!

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon