Chapter 27: Can you make me happy?

23.6K 942 114
                                    

Chapter 27: Can you make me happy?

Sakura's Point of View

Matapos ang usapan namin ni Rei ay nagpasya akong pumunta sa rooftop para mapag isa.

Inilabas ko ulit ang mga dokumento na binigay ni Falcon.

Wala sa sariling niyakap ko ito.

Ito na iyon! Ang matagal ko nang inaasam. Malapit ko na malaman kung sino ba talaga ako.

Maraming tanong na ang umiikot ngayon sa utak ko. Lalo tuloy akong nae-excite...

Sino si Leifr Tristan sa buhay ko? Konektado ba siya sa akin?

Napailing na lang ako. Basta ang importante ay makilala ko ang pamilya ko bago ako mawala sa mundong ito.

Kailangan ko na magmadali dahil ilang araw na lang... Ayaw ko sayangin ang oras ko. Dahil habang lumilipas ang araw ay hindi na ako mapakali. Kulang na nga lang ay hindi na ako matulog baka kasi

"Sakura!"

"Sakura!"

I roll my eyes. Panira talaga ng moment itong si Karol.

"Kanina pa kita hinahanap!" hingal na hingal na wika niya.

Inis na baling ko sa kanya. "What?"

Napasimangot siya bigla. "Ito naman! Always highblood. Mabuti na lang ang ganda ng mukha mo-"

"Excuse me," putol ko sa kanya. "Mas maganda ako sa stupid na ito!"

"Di nga?"

Walang patutunguhan ito.

"Ano ba ang kailangan mo? Bakit ka narito? Paano mo nalaman na nandito ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Wait!" sabay taas ng kanyang kamay. "Ang dami mong tanong! Kaloka ka, Sakura!"

Magkasalubong ang aking mga kilay na tinignan ko siya. Ang sarap sipain ang mukha nito. Sobrang arte!

"Oh!" sabay turo niya sa mukha. "Omg! Monster mode ka!" nalolokang wika niya.

Napabuntong hininga ako. "Karol," mahinahong wika ko.

"Naku... Kinikilabutan talaga ako kapag mahinahon ka," natatakot niyang sabi. "Okay, Sakura! I'm here because of this!" sabay pakita sa akin ng isang invitation card.

Hinablot ko sa kanya ang invitation card at binasa.

Napataas ang aking kilay na makita ang logo ng AKO fraternity.

Please be our guest for our BBQ Frat Party.

BBQ Frat Party? Ano na naman ito?

"So?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Ano'ng so? Hindi mo ba nakikita! Ininvite tayo ng AKO fraternity! My gosh, Sakura! Kung alam mo lang na kanina ay muntik na akong himatayin nung inabot ni Rogue sa akin iyang invitation. At eto pa! Nganga lahat ng classmates natin na makita nila iyon!"

Napapailing ako sa kanyang reaksiyon. Ininvite lang sa party ay parang nanalo na sa lotto ang babaeng ito.

"Okay," tanging nasabi ko na lamang at binigay sa kanya ang invitation.

"Okay? That's it?" hindi makapaniwalang saad niya.

Nagkibit-balikat ako. "May dapat ba akong ikatuwa?" nakataas na kilay na tanong ko.

Sa inis ko ay naglakad na ako palayo sa kanya. Nakakairita ang ingay niya.

"Are you crazy?" manghang wika niya. Infairness ay nakahabol siya sa bilis ng lakad ko.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon