Chapter 6: Kanluran

33.9K 1.4K 194
                                    

Chapter 6: Kanluran

Sakura’s Point of View

“Bitiwan mo ako,” nanggagalaiting wika ko.

Hindi niya ako pinansin at hinawakan niya ang aking baba na tila pinag-aaralan niya ako nang mabuti. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ako makahinga sa ginagawang paghawak ng lalaki sa akin.

Ang hindi ko maintindihan ang mabilis na tibok ng aking puso. What the hell! Kinakabahan ako sa kanya??? No way!

“Tang ina mo! Bitiwan mo ako sabi eh,” malakas na sigaw ko.

Napapailing na binitawan niya ako. “Hindi na rin masama,” wika niya.

Sa inis ko ay sinuntok ko siya pero agad din naman niya nadepensahan.

Nagkatitigan kami nang matagal.

“Ang lakas ng loob mo na hawakan ako!!!” galit na galit ako. “Let me go!”

Binitawan niya naman ang braso ko.

Matapos iyon ay kumuha siya ng dart at inihagis iyon sa board. Bulls eye ang attempt niya.

Edi wow!

Bumaling siya sa akin. “Hindi ko alam kung saan ka kumukuha  ng lakas ng loob para kausapin ako nang ganyan?”

Hindi ko siya pinansin at natuon ang aking atensiyon sa aking cellphone na nagriring.

Sinagot ko ito. “Hello?”

“Sakura! Nasaan ka ba? Alam na namin kung nasaan si West─”

“Putang inang West Fuentabella na iyan!!!” inis na inis na wika ko. “He can rot in hell and die!”

Napansin ko na lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at gulat na gulat na bumaling sa akin.

Mas naging seryoso ang lalaking kabangayan ko.

“West!” malakas na sigaw ng lalaking kararating lang. “Parating ang Delta Psi Omega at galit si Cash.”

West? West Fuentabella?

Sinulyapan ko uli ang lalaking iyon.

Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa akin.

Fucking Shit! Don’t tell me na siya si West Fuentabella?

“West?” untag sa kanya.

“Mag ready kayo,” seryosong wika niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang braso ko. “Sumama ka sa akin.”

I snorted in disbelief. “What?!”

“Shut your fucking mouth or I’ll kill you,” galit na wika niya.

Hindi ako makapagsalita dahil ngayon ay hind pa rin magsink in yung mga nangyayari sa akin. Bigla ako nakaramdam ng hilo na dahilan na napakapit ako ng husto sa braso ni West.

Nagtatakang tinignan niya ako pero tinignan ko lang siya ng masama na kinailing niya.

Napansin ko na lahat ng kasama niya ay sumunod na rin sa amin.

Paglabas namin ay bumungad sa akin ang isang grupo na kanina pa naghihintay.

Lumapit kami doon. “Long time no see, Cash,” wika ni West na kinanoot ko ng noo.

Sa totoo lang ang plastik na pagkakasabi niya.

“Long time no see mo mukha mo,West! Ang sabi ko sa iyo, huwag na huwag mo galawin ang kapatid ko!”

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon