Chapter 16: Devil Kanluran

25.8K 1.2K 166
                                    

Chapter 16: Devil Kanluran

Sakura's Point of View

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako bumubuntong hininga. Lalo akong naiinis kay Kanluran. Bwisit talaga!

"Ma'am baka naman po puwede huwag kayong sumimangot," napapangiwing wika ng make up artist sa akin.

Tinignan ko siya ng masama.

Napaatras naman siya bigla. Bubulyawan ko sana siya na marinig naming dalawa ang malakas na sigaw ni Kanluran.

"Let's start!"

Mabilis na tinalikuran ako ng bwisit na make up artist na iyon.

Kainis talaga!

"Tutunganga kana lang ba diyan?" magkasalubong na kilay na tanong ng lalaking kinaiinisan ko.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Aba! Ang sungit! Tignan natin, Kanluran.

Hindi ako kumibo at taas noong nagmartsa ako kung saan ako dapat pupuwesto.

Pagkarating ko sa gitna ay doon ko inilibot ang aking paningin. Napansin ko na nakatingin sa akin ang mga kasama ni Kanluran. Hindi normal ang tingin na binibigay nila sa akin. Makahulugan iyon.

Ang iba pa nga ay walang pakundangan na nagbubulungan habang pasulyap-sulyap sa direksiyon ko. Nakakainit ng ulo! Sa inis ko ay tumalikod ako sa kanila at walang babala na hinubad ko ang kulay puti na bathrobe na suot ko. Nahantad ang suot kong dress.

Kulay puti ito na humuhubog sa katawan ko. Kita ang kabuuang likod ko at kahit hindi ko tignan ang sarili ko ay alam ko na maganda ako sa suot ko. Well? Minus lang ang mukha ni stupid Sakura.

Nang humarap ako sa kanila ay sumalubong sa akin ang isang katawan. Tinignan ko ng masama ang humarang sa view ko. Oh... Sabi na eh, hindi rin makakatiis.

Shit! Bakit ang bango... niya?

Magkasalubong ang mga kilay niya. Kulang na lang ay maging isa ito. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa itsura niya.

"What are you doing, Sakura? Bakit ganyan ang suot mo?" may diin na sabi niya.

"Ano'ng problema sa suot ko?" nakataas na kilay na tanong ko. "Hindi ba ako maganda sa damit na ito?"

"You're beautiful, Sakura-"

"Good!" putol ko sa kanya. "E di wala tayong problema," at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Tinignan niya ako ng masama na pinagwalang bahala ko lang.

Problema nito?

"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan?" balik na tanong ko sa kanya.

"Change your clothes or I will undress you," banta niya sa akin.

Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi niga.

Undress me?

Si Kanluran? I rolled my eyes. Nais ko matawa nang isipin ko iyon. Humalikipkip ako nang tignan ko siya muli.

"Sure," nakangiting wika ko. "Oh baka naman gusto mo na ako na ang gumawa ng nais mo," pagkatapos ko sabihin iyon ay hinawakan ko ang strap ng dress na suot ko. Hindi ko pa tuluyan nabababa ito ay napigilin na niya ito.

Gusto ko humalakhak ng malakas na makitang galit na galit siya sa akin. Kahit na hindi ko nakakasama si Kanluran, alam ko na may pagka old fashioned siya.

"Get out," nagpipigil sa galit na wika niya.

Oh... Pikon din pala ang isang ito. Napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang isa pa nga ay nakataas ang kilay. Sarap gupitin!

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon