Chapter 21: Serious Kanluran

26.4K 1.1K 155
                                    

Chapter 21: Serious Kanluran

West's Point of View

I smiled when I saw her sleeping. Matapos ang usapan namin kanina ay napagpasyahan namin na manood ng movie. Kaya lang hindi pa natatapos ang pinapanood namin ay nakatulog na siya agad. 

Binuhat ko siya at dinala sa isang kuwarto na kung saan ako laging natutulog. Inihiga ko siya sa kama at kinumutan.

"Hmmm..." rinig ko na ungol niya.

Napangiti na naman ako. Napapansin ko lang na madalas mabanat ang mukha ko dahil sa babaeng ito. She made me happy. Kahit nga ang ilan ay corny na ay napapatawa pa rin ako. I can't imagine na may ganitong unique na babae akong makikilala.

Doon ko na patunayan na she broke my wall. Walang tao ang nakakagawa noon, siya lamang. Kilala ako sa magpipinsan na seryoso at hindi palatawa. Pero pagdating sa kanya ay nagbago ang lahat.

Maganda si Sakura at ang pinakagusto ko sa lahat ang astig personality niya. She can say whatever she wants. She can do whatever she likes. Oo, wala talaga siyang pakialam sa paligid niya.

Ibang iba siya sa babaeng nagpapansin sa akin. Pero imbes na pagbigyan ay sinusungitan ko sila.

Nanghihinayang ako dahil pakiramdam ko ay wala na yung Sakura na patay na patay sa akin noon. Sana pala... dati palang ay napansin ko na siya.

Iba kasi ang Sakura na naaalala ko noon. Ang Sakura na mahinhin, mabait at sweet. At sa totoo lang ay naumay na ako sa ganoong klaseng babae. Kaya naman nabigla ako sa kanyang pagbabago. Hindi na siya yung babaeng minsan ko tinignan. Hindi ko iniexpect ang pagbabago niya pero  nang makaharap ko siya muli ay may damdamin nang umusbong sa puso ko.

Para nga akong tanga dahil baka imahinasyon ko lang pero sa bawat tingin ko sa kanya ay lalo lamang lumalakas iyon. Napatunayan ko nga na may gusto na ako sa kanya na ipakilala siya ng pinsan ko na si Rogue bilang girlfriend. I hate that idea. Seriously, ilang beses ko na pinatay si Rogue sa isip ko.

Mabuti na lamang sinabi sa akin ni Rogue na hindi niya tunay na girlfriend si Sakura. Kaya naman ang ilan kong pinsan na malaman iyon ay walang tigil nila akong inaasar.

Sa kabilang banda, nabuhayan ako. Ang saya saya ko. Kaya naman noong photoshoot hindi ko maiwasang gumawa ako ng kapahangasan. Hindi ko pinagsisihan kaya lang natakot ako. Paano kung kamuhian niya ako?

Fuck! I like Sakura. I want her. Only her.

Kaya naman ng hanapin ko siya para mag apologize ay natagpuan ko siya kasama ni Alexei. And I was mad! Pero tiniis ko na hindi magwala at umupo sa likuran ni Sakura. Hindi ako tsismosong tao pero tahimik na pinakinggan ko ang kanilang pag uusap.

He threatened Sakura. He's an asshole. Gusto ko ngang sapakin ang lalaking iyon pero pinigilan ko. 

At dahil sa nalaman ko ay gusto ko si Sakura protektahan. Hindi ko naintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagnanais ni Alexei mapatay ang babaeng ito. Hindi ko rin maisip na magagawang pumatay ni Sakura. Alam ko na hindi siya ganoong klaseng tao. Alam ko iyon...

"Baka naman matunaw na iyan."

Tumayo ako at hinarap ang lalaking hinihintay ko. "Kanina pa kita hinihintay, Rei."

"Missed me?" at binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.

"Gago!" napapailing kong saad.

"Mukhang huli na ako ah!" napapalatak na wika niya.

"What do you mean?"

"Well? Balak ko sanang ipa date sa iyo si Jessica, yung babaeng nagkakagusto sa kapatid ko."

He's talking about Fuji Cervantes, ang half-brother niya sa ama.

"Marami tayong pinsan, bakit ako pa?" napapailing na wika ko.

Lumabas kami sa kuwartong iyon. Kumuha ako ng beer sa ref at binigay sa kanya. Samantalang tubig naman ang kinuha ko. Ayaw ko na dagdagan pa ang kalasingan ko. Medyo may tama na ako.

"I like you, West," walang pakundangan na wika niya.

Sa kabiglaan ko ay nabato ko ang hawak kong bottled water sa kanya.

Natawa ng malakas ang pinsan kong ito. "Hey dude, relax ka lang! What I mean is, ikaw ang gusto ko para kay Jessica. Alam kong harmless ka."

"Si East na lang ang ipadate mo doon, tutal naman ay magkamukha kaming dalawa."

"Jeez... sa hilatsa ng mukha ng kakambal mo ay wala na akong tiwala doon."

"Kamukha ko siya," paalala ko sa kanya. "How about Eiji?"

"Mas lalo na iyon! Ikaw talaga ang bet ko dude!"

"Enough, Rei. Hindi na puwede, alam mo iyan."

"It's because of her," sabay tingin sa kuwarto na kung saan natutulog si Sakura.

"Yeah... I think si Rogue na lang ang kausapin mo diyan."

"Naka move on na ba iyon?" natatawang tanong niya.

Napasimangot ako sa nais niyang iparating. Ang tinutukoy niya ang pagka crush niya kay Sakura.

"Kaya nga siya ang naisip ko."

"Okay! Mukhang hindi na kita mapipilit You're right, si Rogue na lang ang ipapadate ko kay Jessica. Kung tutuusin ay harmless din ang isang iyon. By the way, ito na pala ang kailangan mo."

Binigay niya sa akin ang isang envelope at wala na akong sinayang na oras. Binuksan ko iyon agad.

Napangiti ako sa nabasa kong details. Ito ang kailangan ko.

"Ano'ng problema mo kay Alexei?"

Pinaimbestigan ko sa kanya si Alexei. Gusto ko malaman ang baho na tinatago niya. Magiging alas ko iyon.

"He threatened her," tipid kong sabi.

"Her? Oh... You need help?"

"No. Hindi pa ngayon. Tama na ang pangangalap ng information about sa kanya."

"Si Leifr ang may hawak sa kanya. Pwede ko siyang kausapin—"

"Not now, Rei. And who's Leifr?"

"Oh well... a friend?" alanganin niyang sagot. "Pero sigurado akong pagbibigyan niya ang tulong na hihingihin ko."

Nahihiwagahan na ako sa pinsan kong ito. Hindi kami magkasamang lumaki dahil ninais niyang bumukod sa amin. Pero sa bawat problema ng pamilya namin ay lagi siya nandiyan para tumulong.

Hindi ko nga inaasahan na malawak ang connection ng lalaking ito. Marami na ako naririnig sa kanya pero hindi ko iyon matanong sa kanya. Minsan nga sinubukan ko magtanong kaya lang inuunahan na niya ako at lagi niya sinasabi na mas mabuting wala akong alam.

"Ano'ng binabalak mo, West?"

Ngumiti lang ako ng makahulugan. "Sa palagay mo?"

"Kill him?"

Napangiti lang ako dahil doon.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon