Chapter 1: I am Sakura

110K 2.4K 194
                                    

Chapter 1: I am Sakura

Rose University

Sakura Holman's Point of View

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba, pagbukas ko sa pintuan ng kotse ay lahat sila ay napatingin sa akin.

Hindi ko sila initindi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom. Habang naglalakad ako sa corridor, malalakas na bulungan ang aking narinig.

"Nandiyan na siya."

Huminto ako sa paglalakad at mahigpit na niyakap ko ang mga libro.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

I am Sakura Holman.

Sikat ako sa school namin.

Hindi sa itsura ko, sa katalinuhan ko o sa yaman ng aking pamilya kundi sa...

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nadulas at hindi na rin ako nagulat sa sumunod na nangyari, isa-isa nila akong batohin ng mga itlog.

Wala akong nagawa at pumikit na lamang ng mariin. Nang maramdaman ko na tumigil na sila ay tumayo ako pero hindi ko maiwasan na mapaiyak. Tinungo ko ang ladies room.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang kanilang mapanuring mga mata. Umiwas ako ng tingin at diretso ako sa isang cubicle. Mabilis na ni-lock ko iyon.

Akala ko matatapos na pero hindi pa pala dahil nakaramdam na lang ako ng pagbuhos ng tubig mula sa itaas. Kasunod noon ang malalakas na tawanan nila.

Naiiyak na niyakap ko na lang ang aking sarili dahil sa lamig na aking naramdaman.

Sikat ako dahil... ako ang paborito nilang binubully.

Araw-araw ganito ang nararanasan ko at walang sawang pambu-bully dahil sa isang desisyon na ginawa ko na malapit ko nang pagsisihan.

Nang kumalma na ako at sa tingin ko ay wala ng tao sa labas ay nagpasya na akong lumabas ng cubicle. Tumingin ako sa salamin. Isang nakakaawang babae ang nakikita ko.

Kailan ba akong matututo na lumaban?

Nakakapagod na lang ang paulit-ulit na nangyayari sa akin.Kung may lakas lang ako sana ng loob na kalabanin siya edi sana tapos na ang dilemma kong ito. Huminga ako ng malalim para mapanatag ang loob ko. Sana maging okay ang araw ko ngayon.

Palabas na sana ako pero nang pihitin ko ang seradura ay bigla akong kinabahan.

Hindi ko na ito mabuksan!

Naiiyak na napaupo na lamang ako sa sahig.

Lord, please help me!

Sakura Lee's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sakura Lee's Point of View

Inaantok na naglalakad ako papunta sa school na may mapansin akong mga grupo ng kalalakihan na mukhang may inaabangan.

SakuraWhere stories live. Discover now