Chapter 17: Kriminal

24.9K 1K 128
                                    

Chapter 17: Kriminal

Sakura's Point of View

Nandito ako ngayon sa isang cafe. Nagsesenti dahil sa nangyari kanina. Sad to say, walang nangyaring photoshoot. Ang masaklap pa, may pagnanasa si Kanluran sa akin.

Bago ako umalis doon ay binigyan ko siya ng isang suntok sa mukha niya. Tumawa lang siya na kinainis ko lalo. Naririndi pa ako nang sabihin niya na isa siyang Fuentabella.

So what? I don't give a damn!

Fuentabella lang siya. Si Sakura Lee ako!

No one can mess with me.

Argh! Inis na inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa. Nairita kasi ako sa nabasa ko. Hindi lang makatarungan.

"Sakura?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Russell na nagtataka nakatingin sa akin.

"Why are you here? Wala ka bang klase ngayon?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Bahagyang napataas ang kilay ko sa mga tanong niya.

"Bakit ka nandito? Wala ka rin bang klase?" balik na tanong ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ko ang cellphone ko.

Dali-dali na pinulot ito ni Russell. Napapailing na lang ako sa kahinhinan niya.

"Sakura..." mahinang sambit niya.

Nang tignan ko siya ay nakatutok ang atensiyon niya sa cellphone ko. Oh shit! Nabasa niya! Damn!

"Removing a hickey from your skin is not easy and it cannot be removed quickly in a day. It will take some time to reduce the mark and if the hickey is in a visible area, you might feel embarrassing and you would not want anyone to see it," nanlalaki ang kanyang mata sa nabasa. "Bakit ka nagbabasa ng ganito, Sakura?"

I rolled my eyes. "Baka kasi gusto ko magpalagay ng ganyan," sarkastikong wika ko.

"S-Sakura!" Naeeskandalong wika niya.

"I'm just kidding," natatawang wika ko. Ang sarap biruin nito. Parang magbibigti ang itsura. "Akin na nga iyan! Bawal sa inosenteng katulad mo ito."

"Bakit Sakura hindi kana ba inosente?" inosenteng tanong niya sa akin at umupo sa harap ko.

"Secret," makahulugang sabi ko.

Natutuwa ako na mabasa ang curiosity sa kanyang mga mata. Gusto ko mag isip siya para sumakit ang ulo niya.

"So bakit ka narito?" pag iiba ko.

"Ahmmm... Pag aari ng family ko ang cafe na ito," masuyong nguniti siya. "Nandito ako para tumulong. Mamaya pa kasi ulit ang klase ko."

"Itong Magpie Cafe ay sa inyo?" hindi makapaniwalang taning ko. "Wow!"

Nahihiyang tumango siya.

"Sipag ah," wika ko. "By the way, nakita mo ba si Karol?"

"Kanina kasama ko siya kaya lang, naghiwalay kami kasi magkikita daw kayo."

Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya. "Kami magkikita?" ulit na tanong ko.

Mabilis na tumango ang katabi ko.

"Wala akong ganoon na sinabi," magkasalubong na kilay na sambit ko sa kanya.

"Huh?" gulat na wika ni Russell. "P-Pero... Bakit ganoon?" naguguluhang saad niya.

Mukhang hindi ko gusto ang mangyayari.

SakuraWhere stories live. Discover now