Chapter 8: Brand

32.2K 1.6K 258
                                    

Chapter 8: Brand

Sakura's Point of View

Hindi ako makahinga sa yakap ng lalaking ito─ na walang iba kundi si Kanluran. Hinawakan ko ang balikat niya at tinulak ko siya. At nang makawala ako ay sinuntok ko ang mukha niya pero naharangan na naman. Fuck!

Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumisi siya. Nagulat ako na hilahin niya ako at yakapin ako patalikod.

Shit! Ramdam na ramdam ko ang hininga ni Kanluran sa leeg ko.

"Bitiwan mo ako," sabay baling ko sa kanya.

Napasinghap ako na marealize na ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi namin at mahahalikan ko na siya. Nang mag angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng kanyang mga mata na titig na titig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nakapaloob doon.

"Kailan pa kayo naging close, Sakura?" wika ni Alexei.

Mabilis na iniiwas ko ang tingin kay Kanluran at tinignan ko si Alexei na madilim na madilim ang kanyang mukha, animo'y papatay siya ng tao.

"Wha─"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang magsalita si West.

"Alexei," wika ni Kanluran. "Sorry pare pero may atraso sa akin ang babaeng ito."

Kunot-noong tinignan siya ni Alexei. "Mas malaki ang atraso ng babaeng iyan sa akin."

"Wala akong pakialam Alexei at alam mo ang ibig kong sabihin," seryosong wika ni West na kinataka ko.

Binalingan ako ni Alexei at bumaba ang tingin niya sa beywang ko na kung saan nakapulupot ang mga braso ni West.

"Sakura," aniya. "Ipapaalala ko lang sa iyo ang kasunduan nating dalawa," nakatiim ang bagang wika ni Alexei at tinalikuran na niya kaming dalawa.

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Ano'ng kasunduan?

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Kanluran at dahil doon ay rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Doon ko napagtanto na hindi pa rin pala ako umaalis sa pagkakayakap sa akin ni West.

"Bitiwan mo nga ako!" inis na sambit ko sa kanya dahil hindi na ako komportable sa ginagawang pagyakap niya sa akin.

Hindi siya umimik na kinainis ko. "Ano bang problema mo, Kanluran?!" gigil na wika ko. "Ang ayaw ko pa naman sa lahat na niyayakap ako!"

He smirked. "Pero ang halikan ka ay okay lang sa iyo?"

Inis na binalingan ko siya. Naglalaro ang isang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin siya sa mga mata ako. Bigla tuloy uminit yung paligid naming dalawa.

"Lalo kang gumaganda Sakura kapag nagba-blush ka."

Nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi niya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Ang landi ni Kanluran!

"Fuck you!"

Natawa lang siya na lalong kinainis ko.

Sa puntong ito ay tinanggal ko ang mga braso niya na nakapulupot ngayon sa beywang ko pero hindi ko matanggal!!! Nagpasya akong itulak siya.

Unang tulak ay hindi siya natinag kaya naman ay tinulak ko siya ulit pero natigil iyon nang may binulong siya sa akin.

"May tagos ka."

Napanganga ako sa sinabi niya.

Bumaling ako sa kanya upang kumpirmahin at kitang kita ko ang malawak niyang ngisi.

Shit! I have my period? Kaya ba mainit ang ulo ko?

Yun pala... Nakakahiya!

Isip Sakura! Hindi mo dapat ipakita na napahiya ka!

Taas noong nagsalita ko. "Ano naman ngayon? N-Natural lang iyon sa aming mga b-babae,"gusto ko mapamura dahil sa pagkakautal ko.

Nagulat ako na hinarap niya ako sa kanya na hindi inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

Ilang segundo niya ako tinititigan at natawa siya ng malakas na kinaguluhan ko. Ano bang problema ng lalaking ito?

Nakatitig na naman siya sa akin pero hindi ko mabasa kung ano ang naglalaro sa kanyang utak. "You're really weird," sabi niya at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

Para akong nanghinayang dahil doon. But why?

"So? Sinabi ko ba na tulungan mo ako? I can handle myself, Mr. Fuentabella," wika ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Hinubad niya ang jacket niya at nilagay iyon sa balikat ko. Takang-taka naman ako na tignan ko iyon.

"Isuot mo!" utos niya sa akin na nakapagpaawang sa aking bibig.

Inuutusan niya ba ako?

"Don't tell me hindi mo susuotin iyan? Ipagmamalaki mo na may ganyan ka habang kasama ako?" kunot-noong wika niya.

Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Inis na inis na sinuot ko ang jacket niya.

Matapos iyon ay hinawakan niya ulit ang braso ko na kinabigla ko.

"Close tayo?" singhal ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama na kinatahimik ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at tahimik na sumunod na lang ako. Nag-iisip ako nang paraan kung paano ako makakawala sa lalaking ito dahil sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.

Habang naglalakad doon ko napansin na bawat madaanan naming estudyante ay napapalingon at napapatanga na nakatingin sa aming dalawa.

Huminto si Kanluran na maglakad. "Nandito na tayo."

Napatingin ako sa tapat namin at isang store ang bumungad sa akin.

"Ano'ng gagawin natin diyan?" kunot-noong wika ko.

Hindi siya nagsalita at hinila niya ako papasok doon.

Pagbungad pa lang namin sa pinto ng store ay malalakas na tilian ang narinig ko mula sa mga babae.

"OMG! Si West!!!"

Tinignan ko naman ang mukha ni West pero blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid na kinataka ko.

Ano ba  ang hinahanap niya?

Napangiwi ako na hinila na naman niya patungo kung saan niya gusto.

Umiinit na naman ang ulo ko. "Alam mo, Kanluran! Kung may bibilhin ka, hindi mo na kailangang isama pa ako!" bulyaw ko sa kanya. Shit! Kailangan ko na makawala sa kanya para magpunta sa CR.

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

T-Teka? Ano'ng binabalak niya?

Dahil doon ay napaatras ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa standee ng mga products na tinitinda dito.

"B-Bakit ka l-lumalapit?!" malakas na sigaw ko.

Ramdam na ramdam ko na ang katawan niya sa akin.

Fuck! Hindi ako makahinga ngayon.

"Ano'ng brand ang ginagamit mo?" bulong niya sa tenga ko na kinaguluhan ko.

What?

"Ano'ng─"

"Ito ba?" sabay pakita ng isang pack ng sanitary napkin. "Oh ito? May wings o wala?" kunot-noong tanong niya.

Napaawang ang bibig ko sa mga tanong niya.

What the hell!!!

Bakit ba ako sumama sa lalaking ito?

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon