Chapter 25: Joke Lang

27.8K 1.1K 182
                                    

Chapter 25: Joke Lang

Sakura's Point of View

Gaya nga ng inaasahan ko ay nagulat si Karol na malaman niya na siya ang tatakbo sa student council at hindi ako. Hindi ko nga makakalimutan ang paglulupasay niya sa sahig na malaman niya ito. Oh well... Ganti ko lang naman ito kay Karol dahil sa pagsagot niya sa akin noong mga nakaraang araw.

Tinawanan ko lang talaga siya. Samantalang si Russell ay nanahimik lang sa isang tabi at nakikiramdam sa aming dalawa.

Matapos niya magdrama ay naging seryoso na ang aming usapan.

Pikit matang tinanggap niya ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang iniisip at tinanggap niya iyon. Puwede naman kasi siyang umatras. Pero nagulat ako na buong tapang niya sinabi sa akin na tinatanggap niya ang hamon ko.

Nangako naman ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para ikampanya siya, kaya naman ay nagplano na kami kung paano namin pababangohin ang pangalan niya. Pero isa lang ang narealize ko habang nag uusap kami. Mahirap pala ito at kumplikado.

Hindi naman ako nawawalan ng pag asa na mananalo si Karol doon. Alam ko sa sarili ko na may kakayahan siya bilang sc president. Naniniwala kasi ako sa kanyang kakayahan. Kaibigan ko kaya siya.

Ang tanong naman ay kung naniniwala ba ang mga estudyante ng RU sa kanya?

Sa kabilang banda naman, hindi na ako ginulo ni Alexei. Actually, tumahimik na ang buhay ko. Kahit hindi ko gusto ay nagpapasalamat ako kay Kanluran sa kanyang ginawa.

Speaking of Kanluran, nakikita ko siya papalapit sa amin.

Ilang araw ko rin hindi nakita ang mokong na ito dahil nga busy ako sa pagtulong kay Karol.

Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Hi Sakura," nakangiting bati niya sa akin.

"H-Hi?" alanganin kong wika.

Siniko naman ako ni Karol. "Close na kayo? mahinang bulong niya sa akin.

"Hindi?" mahinang sabi ko.

"Weh?" hindi naniniwalang tanong niya.

"Tumahimik ka nga diyan!"

"Are you okay?" tanong ni Kanluran.

Inis na sinulyapan ko si Kanluran. "Oo naman," kaswal na sabi ko.

"Ano'ng ginagawa niyo?"

"Hindi mo ba nakikita? Namimigay kami ng flyers sa mga estudyante." Inirapan ko siya na kinatawa niya.

Ngayon ang umpisa ng pangangampanya ng student council. Nakakairita nga eh, kapag binibigyan namin ng flyers ang mga dumadaan ay naiinis pa sila. Sarap nga ilamukos iyon sa kanilang mukha. Pero hindi ko ginawa at nagtimpi. Ayaw ko kasi pumangit ang image ni Karol.

"Tulungan na kita."

"Why?" kunot noong tanong ko. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

"Ayaw ko kasi mahirapan ang girlfriend ko," nakangising wika niya. "Tignan mo pinagpapawisan kana." May kinuha siya sa kanyang bulsa at isang panyo ito. Hindi ako makagalaw na punasan niya ang noo ko.

"Omg!" bulalas na wika nina Karol at Russell.

Naiinis na tinignan ko ang dalawa na parang bulate na kinikilig.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pagalit na bulong ko kay Kanluran.

"Pinupunasan ka," inosenteng sagot niya.

Umatras ako. "Hindi mo kailangang gawin ito!" nagtitimping wika ko. "May kamay ako."

"But why? It is my duty to take care of my girlfriend."

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon