Chapter 10: Fiancee

28.3K 1.3K 70
                                    

Chapter 10: Fiancée

Sakura's Point of View

May mali ba sa sinabi ko? Tila kasi ay hindi sila makapaniwalang lahat sa simpleng tanong ko.

I rolled my eyes. "See? Hindi siya makasagot because he doesn't like me," baling ko kanila East at Katana. "Alam niyo ba na dati niya akong stalker," binigyan ko talaga ng diin ang salitang 'dati'.  "Nagpapadala ako ng mga love letters at cookies noon pero balewala lang sa kanya iyon Ang masaklap pa ay kapag nilalapitan ko siya noon ay parang hindi niya ako nakikita," mahabang saad ko.

Lahat iyon ay nabasa ko sa diary ni stupid Sakura. Pinagpuyatan kong basahin iyon kagabi para naman hindi ako magmukhang tanga sa mga pinaggagawa niya noon. Nalaman ko ang lahat kung paano at kung bakit niya nagustuhan ang lalaking ito. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na siya nirereject ng lalaking ito.

Narealize ko na sobrang nakakaawa talaga si stupid Sakura.

Nang lingunin ko si Kanluran ay mas lalong naging seryoso ang mukha niya samantalang si Rei ay ngumiti ng makahulugan habang tinatapik ang balikat ng katabi. Sina East at Katana naman ay napapailing habang nakapaskil ang mga ngiti sa kanilang labi.

"Oh paano, mauna na ako sa inyo ah," paalam ko sa kanila.

Nagsitanguhan ang lahat maliban kay Kanluran na seryosong nakatingin lang sa akin. Nang mapadaan ako sa kanya ay hinarap ko siya.

"Thank you pala sa tulong at sa drinks," at tinapik ko siya nang marahan sa kanyang balikat.

Nang hindi siya sumagot ay lumabas na ako sa office nila. Paglabas ko ay agad ko pinaypayan ang aking sarili. Shit! Bakit ang init-init?

Huminga ako nang malalim bago ako maglakad palayo.

"Sakura!"

Nakita ko si Karol na nakangiting palapit sa akin.

"Buti naman pumasok ka."

"So?"

"May quiz mamaya sa accounting kaya tara na para makapagreview kana," at inakbayan niya pa ako.

Hindi na ako umimik at sumunod na lamang ako sa kanya. Dahil ang atensiyon ko ay nasa braso niya na may sugat na hindi pa rin humihilom. Marahil ito ay sanhi na naganap kahapon. Napabuntong-hininga na lang ako sa nakikita ko.

"Ah wait lang, Sakura. Daan muna tayo sa locker ko para makuha yung book ko sa accounting, ayos lang ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay bilang pagsang ayon ko.

Pagbukas niya ng locker ay nanlaki ang aking mga mata na bumungad sa amin ang makalat at maduming loob. Kinuha ko ang libro na nahulog sa paanan ko banda at binuklat iyon. Napahigpit ang hawak ko sa libro na makita ang bawat pahina na punit-punit. Dalawang tao lang ang naiisip kong gagawa nito.

"Sakura..." nag-aalalang wika ni Karol.

"K-Kailan pa nangyayari ito?" nanginginig sa galit na tanong ko.

"S-Sakura..."

"Kailan pa?!"

Napayuko siya. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay tinalikuran ko siya. Mananagot sila sa akin!

"Sakura! Bumalik ka dito!"

"Sakura!"

"Wait Sakura!"

"Umalis ka sa harapan ko!" nagtitimping wika ko.

"Para ano? Para hayaan kang gumanti sa kanila?"

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon