Chapter 28: Don't drink alcohol

45.6K 1.6K 1.3K
                                    

Sakura's Point of View

"I'm sorry," napapailing na wika ko. Ano ba ang pinagsasabi ko? Parang tanga lang ako. Nanlilimos ng happiness. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ni Karol sa akin. Nakakainis lang.

"Sakura..."

"Hey! Don't take it seriously," natatawang wika ko. "Nagbibiro lang ako, Kanluran."

"Bakit ba lagi kang ganyan, Sakura?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan na wika ko.

"Sa palagay mo hindi ako seryoso? Sakura naman," napapailing na sabi niya. "Simula ngayon, hindi na ako makikinig sa bawat tanggi mo kaya naman humanda ka na mainis sa akin. Hindi ako titigil hangga't hindi ikaw nagsasabi na gusto mo na ako."

"Ang kapal ng mukha mo, Kanluran! Sa palagay mo gagawin ko iyon?"

"In denial ka pa rin, Sakura? Ako kasi, gusto kita. At saka hindi lang dalawang buwan kita pasasayahin," seryosong wika niya. 

Natigilan ako sa sinabi niya. "Kanluran..."

"Bakit ba dalawang buwan lang, Sakura? Bakit may expiration date agad? Magre-request kana lang, bakit hindi mo na lang gawing forever?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Hindi mo naman siguro ako pinaglalaruan di ba?"

Nainis ako sa tanong niya. "So ang tingin mo sa akin ay naglalaro ako? Ganun?"

"Hindi," walang gatol na wika niya. "Takot ka lang."

Napakagat ako sa aking labi na marining ko iyon. He's right. I am afraid... 

"Ano ba ang kinatatakot mo? Gusto kita, gusto mo naman ako. Ano bang mali doon? 

"Wow ah! Hindi ko naman akalain na ganun kataas ang self confidence mo para sabihin na gusto kita."

"Hindi mo ba ako gusto?"

"Hindi naman sa ganun---"

"So, you like me?"

"Kanluran!"

Natatawang hinawakan niya ang kamay ko.  "Si Alexei ba?" seryosong tanong niya sa akin. 

Hindi. 

Iyan ang katagang gusto kong isigaw. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko.

Pinisil niya ang kamay ko. "Huwag mong alalahanin ang gagong iyon!"

"Gago ka rin!" sabay batok ko sa kanya.

"Aray naman, Sakura!"

"Hindi pa kayo, Twin. Under kana?"

Pareho kaming napalingon ni Kanluran. Nakita ko si East na natutuwang nakatingin sa aming dalawa.

"What are you doing here?" tanong ni Kanluran.

"Looking for you," East says.

"Why?"

Napatingin si East sa akin. Nakaramdam naman ako na kailangan ko na umexit. Mukha kasing seryoso ang kanilang pag uusapan.

"Hey Kanluran, I'm going to get a drink," sabi ko sa kanya. "So? See you around guys!"

"Wait!" pigil sa akin ni Kanluran.

"What?"

"Don't drink alcohol."

"Huh? Why?"

"Basta! Sundin mo na lang ako!"

"Wow! Possessive much, Twin?"

"Shut up!" inis na baling ni Kanluran sa kanya. "Promise?"

"No. I won't promise anything. Baka masaktan ka lang," at iniwan ko na silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon