Chapter 24: Wala Ng Bawian

24.5K 1.1K 155
                                    

Chapter 24: Wala Ng Bawian

Sakura's Point of View

Rose Academy

Hindi ko na mabilang kung ilang estudyante na ang nakita kong nagtaas ng kilay na makita nila na bumaba ako sa kotse ni Kanluran.

Nakaramdam ako ng inis kaya naman walang sabi-sabi ay iniwan ko si Kanluran na nakikipag usap sa kanyang ka brod.

Hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko.

Napansin ko na nasa likod na pala ako ng school na hindi masyado pinupuntahan ng mga estudyante. Nakita ko si Alexei sa di kalayuan at tahimik na naninigarilyo. Tila malalim ang kanyang iniisip.

Hindi na ako nagdalawang isip at pinuntahan ko siya. Isa lang ang gusto ko, ang katotohanan. Pagod na ako sa mga riddle ni Alexei. Oras na para harapin ito. Kung si stupid ay hindi magawang harapin ito ay ako ang gagawa sa kanya. Pasalamat siya sa aking confidence.

Oh well, masyado na nila akong iniistorbo. Maraming araw na ang nasasayang ko sa walang kuwentang pangyayari.

"Alexei," tawag ko sa kanya.

Napansin ko nagbago ang kanyang expression na makita niya ako. Mas lalong dumilim iyon na para bang anumang oras ay papatayin na niya ako.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya.

Taas noong tinignan ko siya. "I want to know the truth."

"Sa palagay mo sasabihin ko sa iyo ang katotohanan ng ganun ganun lang?"

"Fine. Nag back out na ako. Satisfied?"

Bigla siya nanahimik at mayamaya ay tumawa siya ng malakas.

Okay. Para siyang baliw ngayon.

Yes, nagback out na talaga ako. Isa lang naman ang rason ko lung bakit ako tumakbo bilang SC President, ang matahimik ang school life ko. Pero nagkamali ako dahil ang dapat harapin ko ang taong nagsimula ng lahat.

Naiinis na ako sa kanya dahil pumapatol siya ng babae. Pero sa kabilang banda sobrang naaawa ako sa kanya. Siguro nga, kung ako ang nasa kalagayan niya ay ganoon din ang gagawin ko.

"Good, Sakura."

Napakurap ako na marinig ko ang masayang boses niya. I don't like it. Masyadong nakakakilabot ito!

"Hindi nga ako nagkamali sa aking plano at madali kang nahulog sa bitag ko," nakangising wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Plano? Bitag?

"What do you mean?" kalmadong tanong ko.

"I lied."

"What?"

"Alam ko macucurious ka sa nakaraan mo. Nabasa ko iyon sa mga mata mo."

Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Hindi ko matanggap na naisahan niya ako.

Humakbang siya palapit sa akin. "Akin ka, Sakura," hinaplos niya ang pisngi ko. "At kahit kalimutan mo ako ay hindi ka makakawala sa akin. Sinigurado ko iyon."

"Hindi na ngayon, Alexei!"

Nagulat ako na marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko ito. Nakita ko si Kanluran na seryoso ang kanyang mukha.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Lalo pang bumilis ang ang tibok ng puso ko. Teka... Parang mali ito!

Lumapit si Kanluran sa amin at hinila niya ako palayo kay Alexei kaya lang ay nahawakan naman ni Alexei ang isang braso ko. Ang nangyari ay para kaming naglalaro ng tug of war.

"Let go of her!" utos ni Kanluran.

"No," seryosong wika naman ni Alexei.

Napangiwi ako na makaramdam ako ng sakit sa mga braso ko. Hindi ko na talaga nagugustuhan ito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Alexei?" may pagbabanta sa tinig nito.

"Hindi ako bingi, West. Bakit ko bibitiwan ang pagmamay ari ko na?" at isang nakakalokong ngiti ang binigay niya.

Dumilim ang mukha ni Kanluran.

"Walang nagmamay ari kay Sakura kundi ang sarili niya!" matigas na saad ni Kanluran. "Stop your stupid revenge!"

"Wala kang alam, Fuentabella!" nagbabagang wika ni Alexei.

"Alam ko na ang lahat sa iyo, Mondragon! Nagpaimbestiga ako! At nalaman ko na isa kang miyembro ng mafia."

Sabi na eh! Tama ang hinala ko! Napatingin ako kay Alexei na parang hindi na nagulat sa natuklasan ni West.

Nakipagtitigan lang si Alexei kay Kanluran. Ganoon din ito. Wala sa kanila ang gusto magpatalo.

"Huhulaan ko, tinulungan ka ni Shinigami. Tama 'di ba?"

Kumunot-noo naman si Kanluran.

Sino si Shinigami?

"This is interesting," makahulugang wika ni Alexei. Sinulyapan naman niya ako. Mapanganib at nakakamatay. Kinabahan  ako dahil doon. Hindi maganda ang kutob ko.

Matapos iyon naramdaman ko ang pagbitaw niya sa braso ko.

"Hindi pa tayo tapos, Sakura. Babalik ka sa akin. At sisiguraduhin ko matutupad ang matagal ko nang inaasam." Matapos niyang sabihin iyon ay walang paalam na iniwan niya kaming dalawa.

Fuck! What does he mean? Hindi maganda ito.

"Sakura."

Kinakabahan talaga ako. Hindi ko gusto ang nabasa ko sa mga mata ni Alexei. May halong pagbabanta ito.

"Sakura!"

Napakurap ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Kanluran.

Nilingon ko siya. "Oh bakit? Ano'ng problema mo?" inis na tanong ko.

"Are you okay? Natutulala kana diyan."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Hindi ba ako pwedeng mag isip?" at inirapan ko siya.

"Bakit iniwan mo ako?"

"Wala lang," tipid kong sagot.

"Sigurado ka?"

"Oo! May iba pa bang dahilan?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Tama ba ang narinig ko na nagback out kana?"

"Oo," mabilis kong sagot.

"Bakit? Dahil ba kay Alexei? Gusto mo ba kausapin ko—"

"Hey! Ang laki ng problema mo, Kanluran. Relax! Nagback out talaga ako pero syempre hindi ako tanga para hindi malaman ang plano ni Alexei."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I decided na si Karol na ang tatakbo bilang kapalit ko."

"Yung friend mo?"

"Yes."

"Paano mo nagawa iyon? Hindi na puwede iyon."

"Well? Tinakot ko iyong namumuno doon," at natawa ako ng malakas. "Tapos, ginamit ko yung pangalan mo kaya napagbigyan niya ako. Iba ka talaga, Kanluran!"

Napanganga si Kanluran.

"What?" inosenteng tanong ko.

"Sakura!"

Oh no! Galit siya.

"Tell me, Sakura. Ano'ng sinabi mo doon?"

Napakagat ako sa aking labi. "Ano.. ah..."

"What?" naiinip na tanong niya.

Shit! Galit na talaga siya.

"Well?" pilit akong ngumiti. "I told him na boyfriend kita."

Kinakabahan na tinignan ko siya. Seryoso pa rin kasi ang mukha niya at nagulat na lang ako na unti-unti siyang ngumiti.

A sexy smile.

"Good, Sakura."

"Huh?"

"Wala ng bawian."

W—What?

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon