Wakas

5.3K 149 90
                                    

#TDSCWakas





Dear Zachiro Montague,

Hi. I knew you donut know me. But I knew you. Imposible rin na magkakilala tayo. So I well daan daan nalang ang fellings ko sa sulat na toh.

Zach, gosto kita... Alam mo, hinde naman keta gosto nung ona kitang nakita, e. Piro iwan ko ba. Bigla nalang isang araw gosto na kita... Lagi na kitang naiisip. Kapag nakikita kita nabobo-o na ang araw koh kaya gosto kita lagi nakikita. Uhm, pano bato. Basta mahal nayata kita ngayon habang sinusolat ko toh.

Gusto ko mapalapit sayo. You and I. I want us near ich other. Pwedi ba yun? Wait! Frends. U and me frends. Alam kong malabo piro omaasa ako.

Aylabyu berimats, Zach!!!! <33

Jewel,

Pinaka-magunthe.







"A-Ano 'yan?"

Napalingon ako kay Race na nagpipigil ng tawa habang nakasilip sa papel na hawak ko. Mabilis kong ibinaba ang kamay ko para maitago ang papel ngunit naagaw niya na ang atensyon nina Luis at Carlo dahilan para maging sila ay maki-usyoso na rin.

"Love letter? Sino nagbigay sa 'yo niyan, Zach?" natatawang ani Carlo.

"Uy!" narinig kong asar ni Luis sa likuran ko at hindi lumipas ang segundo, wala na sa kamay ko ang sulat.

"Luis! Ibalik mo sa 'kin 'yan!"

Tumatawang tumakbo palayo si Luis. Hinarang ako ni Race samantalang sumunod si Carlo kay Luis para matingnan rin ang sulat. Tinulak ko si Race para makalapit at mabawi ang sulat ngunit huli na ang lahat.

Humagalpak sa pagtawa ang dalawa. Sobrang lakas na napatingin na sa amin ang iba pa naming mga kaklaseng tahimik na nag-aaral.

"Jewel? 'Yan ba 'yong maganda sa last section pero..." Luis trailed before he turned to look at Carlo.

Sabay silang muli sa pagtawa.

I sighed heavily and took that as an advantage to get the paper. Nagtagumpay ako at sa kakatawa, hinayaan na ako ng dalawa.

"Grabe! Nakita mo 'yong spellings? At grammar! Ang laughtrip!" tawang-tawang sabi ni Luis.

"Ayoko na! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa! Iba ka talaga, Zach!"

"Balita ko iba magkagusto iyon si Jewel, Zach..."

Nilingon ko si Race sa sinabi niya. He was also grinning at me like a dog. Inirapan ko na lang siya bago ipinasok sa loob ng bag ko ang papel.

"Ooooh. Itatago!"

"Naks, Zach! Don't tell me, type mo 'yong si Jewel?" Humalakhak si Luis.

Nagtiim-bagang ako. "Itatapon ko paglabas ko. Alangan namang iwan ko lang 'to dito?"

"Sa bagay..."

"Grabe kayo kay Jewel. Maganda naman siya, e," sabi ni Race at nginisihan ako. "Ipaubaya mo na sa akin kung hindi mo type."

Hindi ko siya inimik at tahimik na lang na umupo ulit. Hindi pa rin sila sa tapos sa pag-uusap tungkol sa babaeng 'yon nang isalpak ko na sa tainga ko ang earphone ko.

I closed my eyes to have my own world. Pero hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para dumilat at tumingin sa may pinto.

Dumaan si Jewel, ang naglakas ng loob na maglagay ng sulat sa lamesa ko. Nakalingon siya dito sa loob ng classroom namin habang naglalakad. Halos parang mababali pa nga ang leeg. Her eyes widened when she saw that I'm looking. Hindi nagtagal ang isang minuto, wala na siya sa paningin ko.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon