Kabanata 5

3.3K 112 98
                                    

Kabanata 5




"Kailangang naaakbayan. Biruan. Kumportable sa isa't isa..."

Sa tatlong 'to, pakiramdam ko ay mas madali iyong panghuli. Parang imposible kasi iyong unang dalawa. Hanggang balikat lang ako ni Zach kaya imposibleng maakbayan ko siya. Iyong pakikipagbiruan naman, wala sa itsura niya ang makipaglokohan. Pero kung sakali man na mangyari nga, baka himatayin ako bigla. Iniisip ko pa lang ngayon na maaakbayan ko si Zach, nangingisay na ako sa kilig. Ano pa kaya kung totoo na? At iyong makikipagbiruan... ang sweet!

Ngiting-ngiti ako habang nakatingala sa kalangitan. Naglilikot na ang utak at nag-iimagine na sa kung ano.

Kung madali lang talagang abutin si Zach, siguradong noon pa lang ay napansin niya na ako. Hindi ko nga akalain na mapapansin niya ako at ngayon nga ay parang pinaglalapit na mismo ng tadhana.

Humagikhik ako.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana noon pa ako umamin sa kanya!

Katulad ng sabik ko sa pagpasok kaninang umaga, sabik din akong umuwi. Medyo nahuli nga lang dahil cleaner ako kaya naman pag-uwi ko sa bahay ay mabilis akong naligo. Halos isang oras yata akong naligo. Pagbaba ko, nasa loob na ng mini library ni papa sina Gold at Zach. Sabi ni mama ay lumipat sila doon dahil may darating siyang bisita ngayon.

"Answer this sheet. Let's see if you've understand what I've taught..." rinig kong sabi ni Zach pagbukas ko ng pinto.

Nag-angat siya ng tingin at nagkatinginan kami.

"Ah... s-sasagot din ako ng assignments..."

"Wala nang space, ate," nakasimangot na paepal ng kapatid ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Tinuro ko ang maliit na table sa kabila lamang ng lamesang gamit nila para matahimik siya. Nang balingan kong muli si Zach ay unti-unti akong ngumiti. Walang pakialam siyang bumalik sa ginagawa.

Dahan-dahan at maingat kong isinara ang pinto, takot na makagawa ng ingay at magalit si Zach. Kahit noong nilalapag ko na ang mga gamit ko sa maliit na lamesang nasa harapan ng bintana ay nag-iingat pa rin. Kaso nang matapos ay napabuntong-hininga ako nang malakas kaya napatakip agad ako ng bibig.

Nakalingon na sa akin ang dalawa nang balingan ako.

"Hehe. Peace..." sabay peace sign ko.

Nakasimangot ang kapatid ko sa akin, halatang naiinis na nandito ako. Inismidan ko siya.

"Gold, sagutan mo na iyan," istriktong paalala ni Zach.

Tumaas ang mga balahibo ko sa batok sa lamig ng boses niya. Nakayuko na siya at nagsusulat sa isang tablet paper kaya malaya ko siyang natitigan pa nang matagal bago ako unti-unting umupo.

Binuksan ko ang libro ko sa Filipino. Ito ang pinakamadali para sa akin kaya ito ang uunahin ko!

Sinubukan kong basahin ang mga nakasulat sa libro ko at magpokus doon pero sa isang beses na pasada ng mata, parang walang pumasok sa isip ko. Hindi ko naintindihan. Kaya, umayos ako ng upo; tumikhim at binasa ulit. Kaso, nakailang pasada na ako roon ng tingin, parang wala talagang pumapasok sa isip ko. Tuluyan akong nanlumo at mangiyak-ngiyak na napasabunot sa buhok.

Napalunok ako. Magpaturo kaya ako kay Zach?

Dahan-dahan ko siyang nilingon, pinupuno ng lakas ng loob ang sarili para gawin ang binabalak. Huminga ako nang malalim at pumikit. Pagdilat ko, nakatayo na ako sa tabi niya habang mahigpit na hawak ang libro ko.

"Z-Zach..." nag-aalangan at kinakabahang tawag ko.

"Ba't?" tanong niya, abala sa pagsusulat at hindi na nagawa pang tumingin sa akin.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now