Kabanata 23

3.3K 109 107
                                    

Kabanata 23




Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng library. Tahimik sa loob nang sumilip ako. Nandoon si Zach at ang kapatid kong sumasagot na naman ng mahirap na math problems.

Napangiti ako habang tinitingnan si Zach na nakahalukipkip. Binabantayan niyang mabuti ang ginagawa ng kapatid ko, sinisigurong hindi magagambala ng kahit ako. Hindi ko mapigilang hindi kiligin, iniisip kung ganiyan din kaya siya oras na maging tatay na siya. Siyempre, ako ang nanay.

“Ate, pumasok ka na lang kaya?” Napaigtad ako sa biglang pagsalita ng kapatid ko kahit hindi nakatingin sa akin.

“H-Ha?”

Doon ko napansing nakabaling na sa akin si Zach. Kunot ang kanyang noo.

Itinawa ko ang hiya. “T-Tinitingnan ko lang kayo…”

Tuluyan na akong tiningnan ng kapatid ko.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang maging tutor ulit ni Gold si Zach. At sa dalawang araw na iyon, hindi ako pumapasok sa loob ng library. Pinipigilan ko talaga ang sarili ko at hanggang silip lang ako sa kanila. Akala ko, hindi nila ako nakikita…

Ngumiwi ako. Nahuli na nila ako kaya wala na akong magagawa kundi pumasok.

“Malapit na ang exam. Nagre-review ka ba?”

Napatigil ako sa pagtingin-tingin kunwari ng mga libro sa book shelves. Nilingon ko si Zach na nakatingin sa akin habang nakahalukipkip pa rin. Ang kapatid ko’y abala na ulit sa pagsagot.

“O-Oo—”

“Sinungaling. Hindi ’yan nag-aaral dito sa bahay, kuya.”

“H-Hindi nga! Pero sa school, oo!”

“Oh, yeah. Nag-aaral ka kasama ni Randyll?” may tono ng panunuya ang himig ni Zach kaya napatingin ako sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin pero malamig ang mata.

“You were with him in the Library the other day…”

“Si Clarisse talaga ang kasama ko. Bigla na lang siyang sumulpot.”

“Akala ko ba kayo ni Chasin?” aniya.

Umiling ako. “Hindi kami.”

“Soon to be, then?” mas malamig ang boses niya.

Patuloy akong umiling. Sinulyapan ko ang kapatid ko na nakikinig sa amin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay yumuko siya at umastang sumasagot. Uminit ang pisngi ko sa hiya dahil doon.

Nakita iyon ni Zach kaya nagpapasalamat ako’t hindi na rin siya ulit nagsalita pa.

“Kuya, tapos na…”

“Great. Ito naman ang sagutan mo—”

“Kuya, puwedeng time out muna? CR muna ako…”

“Really? Alright.”

Mahaba ang nguso ko habang pinakikinggan ang dalawa. Nagkukunwari pa rin akong nagtitingin ng mga librong kahit isa’y wala man lang nakakuha ng interes ko. Kumukuha ako ng isa at binubuklat ito, at pagkatapos ay ibinabalik din naman sa shelves.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now