Kabanata 8

2.9K 105 24
                                    

Kabanata 8





"Nakapagdesisyon na ako. Balak kong ipasa ang mga exams ko sa nalalapit na 4th Quarter exam," anunsyo ko sa mga kaibigan ko.

"ANO?!"

"Hinaan mo nga ang boses mo, Clarisse," nakahalukipkip na saway ni Jessa.

Nakangiti ko silang pinagmasdan na nagkakagulo. Wala naman akong nakikitang mali ro'n sa gusto ni Zach. Bukod sa palagay ko'y mamamangha si Zach sa akin kapag nagkataon ay gusto ko rin subukin ang sarili ko sa mga ganitong bagay.

"T-Teka lang, Jewel. Nakakabigla ka! Anong kagagahan na naman ang pumasok sa isip mo ang sinasabi mo 'yan?" si Clarisse.

Napanguso ako. "Hindi naman 'to kagagahan e. Saka, hindi ako ang nakaisip nito."

Nagkatinginan silang tatlo.

"E, sino pala?" tanong ni Precious.

"Si Zach."

"S-Si Zach? Zachiro Montague?"

Nakangiting tumango ako. "Oo! Sabi niya kasi ayaw niya ng mga babaeng mababa ang score sa exam. Kaya sabi ko, patataasin ko!"

Nakita kong napatampal ng noo si Clarisse. Napailing-iling naman si Jessa. Si Precious naman ay kunot ang noo at tila nalilito pa.

"Imposible 'yang gusto mo, Jewel! Ni hindi mo pa nasubukang makatama ng sagot kung hindi ka pa nangongopya sa amin ni Precious. Tapos ngayon, gusto mong makapasa sa exam?" Napangiwi si Clarisse sa huling sinabi. "Huwag mong sabihing mangongopya ka kay Jessa?"

Umiling-iling ako. "Hindi 'no! Mag-aaral ako! Isa pa, hindi naman nagpapakopya 'yang si Jessa kaya ba't ako mangongopya."

Nalaglag ang panga ni Clarisse. "Mag-aaral ka?"

"Ano ba kayo! Walang imposible sa taong determinado, ano! Kaya mo 'yan, Jewel! Holy spirit activate!" wika ni Precious sabay ngiti sa akin at tapik sa balikat ko na para bang chini-chair up niya ako.

Ngumiti ako at tumango.

"Siya. Sige. Kaya mo 'yan, Jewel. Mag-aral ka," ani Jessa.

Nilingon ko siya. Nakahalukipkip pa rin siya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako lalo. Narinig ko ang pagtawa ni Clarisse, sinasabing hindi ko kaya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at binuklat na ang libro ko.

Uwian noong nakita ko si Zach na naglalakad na palabas ng gate. Mabilis kong tinakbo ang distansya naming dalawa. Hindi niya kasama ang kaibigan niya, katulad ko. Cleaners sina Jessa, Precious at Clarisse at dahil may tutor ako ay nauna na ako pauwi.

"Zach! Sabay na tayo!" masayang wika ko.

Kunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin. Lumingon siya sa likod ko saglit at pagharap sa akin ay matalim na ang tingin.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong—"

"Huwag mo akong kakausapin dito sa school," panggagaya ko sa sinabi niya habang nakataas pa ang hintuturo ko.

Nagtiim-bagang siya.

Ngumiti ako. "Pero wala naman na tayo sa loob ng school, e. Kaya, puwede na!"

Marahan siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga. Nagkaroon ako ng pagkakataon na masulyapan ang maganda at mahaba niyang pilikmata.

"Hindi pa rin puwede. Have you forgot that I am also teaching other students?" wika niya pagdilat.

Ay. Oo nga pala.

"Umuwi ka na lang at mag-aral nang mabuti. Hindi ka makakapasa sa exam kung puro ka lakwatsa."

Umiling ako. "Hindi naman ako naglalakwatsa, e!"

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now