Kabanata 22

3.4K 112 169
                                    

Kabanata 22


“Teka!!” malakas na sigaw ko at buong puwersang tinulak si Chasin palayo sa akin.

Napaatras siya at natanggal ang kanyang pagkakahawak sa aking dalawang balikat. Habol ko ang aking hininga na para bang tumakbo ako nang napakabilis habang nakatingin sa kanya. Ang mga kamay ko’y parehong nakaabang sa aking dibdib para kung sakaling lumapit siya ulit ay mapipigilan ko na agad.

Nakayuko lang siya sa harapan ko kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya.

Litong-lito ako… at nagugulat.

Ano ’yon? Muntik niya na akong mahalikan! Bakit niya ginawa iyon?

Kinabahan ako at agad napalinga-linga sa paligid sa pag-iisip na baka may nakakita sa amin. Pero kahit na nakita kong kami lamang dalawa ang nandito sa hallway ay hindi pa rin ako mapakali.

“B-Bakit ba, Chasin? May kailangan ka ba sa akin?”

“Do you really like Zach?”

“H-Huh?”

Muli siyang gumalaw para iharang ang kanyang parehong braso sa magkabilang gilid ko. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Halos lamigin ako sa tila nagyeyelo na tingin niya.

“I like you…” malamig na sabi niya.

Nanlalaki ang mga mata ko.

“I like you before you even met Zach, Jewel Tabusares.”

“Chasin…”

Gustuhin ko mang magpokus sa sinasabi niya ay hindi ko magawa dahil masiyado akong nag-aalala na kino-korner niya ako ngayon. Kapag may nakakita sa amin sa ganitong posisyon, siguradong mag-iisip sila ng masama. Baka makaabot pa ito kay Zach at iisipin niyang two-timer ako! Ayoko n’on! Hindi puwede!

“Si Zach na ba talaga? Why can’t it be me?” bulong niya.

Napakunot na ako ng noo. “Chasin, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo…” tinawa ko pa ang tensiyon. “Nagjo-joke ka ba? Prank ba ito? Masiyadong late ang prank mo, ah. Noong April pa ang April fool’s.”

Hindi ko talaga alam kung maniniwala ako sa kanya. Naguguluhan ako. Masiyadong nakakabigla. Nito ko lang naman siya masiyadong napansin tapos gusto niya na ako?

Unang beses ito na may nagsabi sa aking gusto nila ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Oo nga’t maganda naman ako, pero, hello? Ako ito, si Jewel. ’Yong bobo pa sa mga bobo. Imposibleng may magkagusto sa akin. Kaya naka-drugs yata itong si Chasin. Tama. Siguradong nakahithit ito ng shabu. Wala sa itsura niyang magkakagusto siya sa akin. O baka prank lang talaga ito.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kung saan. Mabilis akong lumingon doon para lang makita si Zach na nakatayo sa dulo ng hallway at nakatingin sa amin.

Namilog ang mga mata ko. “Z-Zach…”

Inalis ni Chasin ang parehong braso niya sa magkabilang gilid ko habang seryosong tinitingnan si Zach.

“K-Kanina ka pa ba riyan, Zach?” tanong ko.

Mula kay Chasin ay lumipat ang tingin nito sa akin. Kinabahan agad ako kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Nakita niya kami ni Chasin sa ganoong akto. Anong iniisip niya? Sana hindi masama… matalino siya. Alam niyang siya lang ang gusto ko.

Hindi sumagot si Zach. Tumawa nang marahan si Chasin.

“Zachiro.”

“Nakakaistorbo ba ako?” seryosong tanong ni Zach.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now