Kabanata 18

2.7K 94 118
                                    

Kabanata 18



Wala akong halos maitulong sa mga kagrupo ko. Hindi naman ako magaling magluto. Maalam lang ako pero kapag kikilos na ako ay papalpak lang ang lahat, kaya naman mas pinili ko na lang na tumayo sa tabi ni Randyll at panoorin silang magtulong-tulong. Ngunit nang makita ako ni Jackie ay nagreklamo agad siya.

“Let her be, Jackie.”

“Pero bakit, Zach? Hindi porque hindi siya marunong ay hindi na siya tutulong!”

Sang-ayon ako sa kanya. Ayaw kong tumunganga na lang ako dito at hintaying pagalitan ako nina ma’am dahil hindi ako tumutulong. Pero alam ko ring hindi na ako dapat pang sumubok kung ayaw kong makagulo lang.

Napalunok ako at natanto kung gaano ako ka-walang kuwenta ngayon.

Napatingin sa akin si Zach bago binalingan si Jackie. “You don’t want her to make it more hard for us, do you? Marami pang activities mamaya at bukas. Doon siya makakatulong sa atin.”

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Kahit si Zach, alam na magiging pabigat lang ako ngayon. Ang hirap pala ng ganito.

“Excuse me…”

Mabilis akong tumabi nang malalim ang boses na nagsalita si Chasin sa gilid ko. Nakayuko lang ako nang bigyan ko siya ng espasyo para makatulong siya. Napagigitnaan nila akong dalawa ni Randyll samantalang nasa harapan namin si Zach at Jackie.

Kumunot ang noo ko nang biglang may naglapag ng kutsilyo at bawang sa harapan ko. Nang tiningnan ko si Chasin ay malamig lang ang ekspresiyon niya sa akin. Napalunok ako. Gusto niya ba akong tumulong? Malamang. Sa itsura pa lang ni Chasin ay halatang ayaw niya ring nakakakita ng mga babaeng walang silbi tulad ko. Kaya ngayon, binigyan niya na ako ng gagawin para maging patas ako sa kanila. Kasi unfear nga naman kung may puntos ako kahit wala akong ginawa.

Bumuntong-hininga ako. Ngayong dalawa na silang nagrereklamo, parang wala na nga akong pagpipilian.

“Hindi siya marunong magluto,” sabi ni Zach.

Lumingon ako sa kanya. Medyo nakasimangot siya habang nakatingin kay Chasin gamit ang parang nabuburyo niyang mga mata.

“I’ll teach her, then.”

Napasinghap ako nang biglang hinawakan ni Chasin ang kamay ko at iginiya para hawakan ang kutsilyo.

“H-Hoy! Ano sa tingin mo’ng ginagawa mo?” kritikal na tanong ni Randyll.

Binitiwan pa niya ang gulay na hawak para takutin si Chasin ngunit ni hindi siya nito sinulyapan. Hinila ni Chasin ang kamay ko dahilan para mabalik doon ang aking atensiyon. Hindi ako makagalaw sa gulat. Hindi rin pumasok sa isip ko ang lahat ng sinabi nito habang iginigiya ang kamay ko kung paano ang tama at dapat na gawin sa bawang.

Nang binitiwan nito ang mga kamay ko ay saka lamang ako nabalik sa wisyo.

“There. You better know it now,” ani Chasin at umatras.

Napalunok ako at dahan-dahang tumango sa hiya. Hindi niya naman kailangan pang hawakan ang kamay ko, e…

Napatingin ako kay Zach pagkatapos kong huminga nang malalim. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakayuko at nakatingin sa kutsilyong hawak. Para bang may kung anong masama itong ginawa sa kanya. Napakurap-kurap ako at agad nilukob ng pagtataka ngunit napawi iyon nang pag-angat niya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin.

Kaya lang, hindi pa rin talaga maipinta ang mukha niya.

“Zach?” tawag ko.

Nakikipagtalo si Randyll kay Chasin habang tinitingnan ko si Zach sa pag-aalala. Umigting ang kanyang panga at umiwas ng tingin.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon