Kabanata 35

3.2K 110 63
                                    

Kabanata 35




Napakaraming mga magagarang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng malaking gate nina Zach pagdating ko. Nagtaka ako at nakita pa ang ilang mga taong nakatayo sa labas ng ilang sasakyan. Iyong iba’y may katawagan, iyong iba ay inaayos ang kanilang mga pormal at itim na damit habang pumapasok sa gate.

Napakunot ako ng noo. Anong mayroon? May party ba?

Lumakad ako palapit sa gate para lang magtaka lalo dahil mas maraming tao sa loob. Sobrang dami. Maingay sila’t nag-uusap-usap. Naghalo ang kulay itim at puting mga damit nila na tila ba may patay.

Patay? Sinong patay?

Nagdalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako sa plano kong kausapin si Zach. Hindi ko alam kung nasa loob ba siya ngayon pero mas natuon na ang atensiyon ko sa kung anong mayroon sa loob. Kyuryoso ako’t inisip na mamaya ko na lang muna hahanapin si Zach. Baka nasa loob din siya. Kailangan kong pumasok para tingnan kung anong nangyayari.

Abala si manong guard sa mga bisitang pumapasok sa gate. Sa sobrang dami, siguradong hindi niya na ako mapapansin kung papasok ako. Kinuha ko iyong oportunidad para makapasok.

Tumigil ako sa tangkang pagpasok sa loob ng bahay nang may makasalubong akong matandang babaeng umiiyak nang malakas. Nakasuot din ito ng itim na bestida at inaalalayan ng isang lalaking mas bata. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mapadapo ang mata ko sa may kalakihang tarpaulin na nasa gilid ng pinto at katabi ng mga bulaklak pangpatay.

“You Will Never Be Forgotten”

In Loving Memory Of

XELAINE XABAT-MONTAGUE

Isang maganda, at sa tingin ko’y ka-edad lamang ni mama, ang namatay na babae sa tarpaulin. Nakangiti ito sa larawan at medyo kahawig ni Zach. Auntie niya siguro ito?

Tumuloy na ako sa pagpasok, hindi pinansin ang tingin sa akin ng ilang tao. Hindi ko alam kung dahil ba sa naka-uniform ako o dahil hindi nila ako kilala. Puro iyakan ang naririnig ko. Lahat sila’y nagluluksa. Nakita ko si Mrs. Montague na nakatayo sa tabi ng kabaong. Mabilis akong humakbang palapit ngunit natigil nang may lumapit din sa kanyang isang ginang.

“Nasaan si Zachiro?” tanong noong ginang.

“He’s upstairs…”

Lumungkot lalo ang mukha ng ginang. “This must be really hard for him.”

Bumuntonghininga si Mrs. Montague. “More than anyone else, yes. Sa kanilang dalawa, mas apektado siya rito… he was hoping that his mother would recover, but…” Tumigil ito at nilingon ang kabaong.

“Sana maging ayos din siya agad. Si Chasin?”

“Nasa school.”

Lumakad ang dalawa patungo sa ilan pang mga ginang. Nag-condolence iyong tatlo at nasimula ulit sila sa pag-uusap kaya hindi na ako nabigyan pa ng pag-asang magpakita sa mama ni Zach.

Hindi ko naintindihan ang narinig kong pag-uusap nila. Anong ibig sabihin ni Mrs. Montague sa ‘his mother’? Hindi ba’t ang baby kong si Zach ang pinag-uusapan nila? Bakit parang ibang nanay ang tinutukoy nito? May ibang nanay si Zach? Kunot na kunot ang noo kong nakatayo sa tabi ng kabaong, iniisip ang mga narinig.

Nilingon ko ang patay at nahintakutan hindi sa itsura nito kundi sa kaisipang baka magmulat ito ng mata gaya ng napapanood ko sa mga TV.

Kalma, Jewel! Wala ka sa teleserye!

Teleserye?

Muli kong sinulyapan ang babaeng nasa loob ng kabaong na iniisip ko kaninang Auntie ni Zach. Napalunok ako. Mas hawig ni Zach ang babaeng ito kaysa kay Mrs. Montague. Hindi kaya ito ang nanay ni Zach na tinutukoy ni Mrs. Montague? Pinilig ko ang aking ulo sa mga kalokohang naiisip. Kung nanay niya itong namatay, Jewel, bakit mama ang tawag niya kay Mrs. Montague? Ano siya? Ampon? Imposible. Montague rin ang apelyido nitong namatay. Anak kaya sa labas?

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now