Kabanata 3

3.9K 137 62
                                    

Kabanata 3



"Papa... magpapa-tutor na lang din pala ako!"

Iyon ang excited na bungad ko kay papa pagkagising sa umaga, kinabukasan. Matapos kong manood at tumunganga sa kalmadong pagtuturo ni Zach sa kapatid ko nang ilang oras kagabi, nagpasiya akong ito ang sasabihin ko kay papa ngayon.

Kinikilig pa rin ako sa tuwang naaalala ko kung paano ko siya tinitigan magdamag kahit pa ramdam na ramdam kong naiilang, naiirita at hindi siya kumportable. Hanggang ngayon tuloy ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Zach... tutor ng kapatid ko. Ibig sabihin... Ibig sabihin, pupunta na siya lagi rito sa bahay! Parang panaginip! Kanina ngang paggising ko, nag-panic pa ako na baka panaginip lang. Kaso, nakita ko 'yong wallpaper kong picture niya na kuha ko lang kagabi.

Humagikgik ako nang maisip ang lahat ng posibleng mangyari sa pagitan namin.

Pakiramdam ko tuloy, nalamangan ko na lahat ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Ngayong lagi na siyang pupunta sa amin, siguradong mas marami na akong time na makasama siya.

Humagikhik ako ulit.

"Ma... si Jewel mukhang nababaliw na!" rinig ko ang takot sa boses ng kapatid ko.

Tumigil ako sa mga iniisip at nilingon siya sa harap ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast kaya natural lang na makita siyang dalawa-dalawa ang hawak na tinapay at punong-puno ng pagkain ang bibig. Inambahan ko siyang tutusukin ng tinidor.

"Papa!" tawag nito.

"Jewel..."

Napaayos ako ng upo nang maalala ang sinabi ko sa kanya kanina na mukhang hindi niya narinig.

"Papa, magpapa-tutor nga rin ako..." malambing kong sinabi.

"Akala ko ba ayaw mo?"

Binaba niya ang diyaryo na hawak at kunot ang noong tiningnan ako. Ngumiti ako. Kinuha niya ang mug na may lamang kape at saka sumimsim doon, nagtataka pa rin sa pagbabago ng desisyon ko.

"Parang kailangan ko na rin talaga kasing magpa-tutor, Papa. Sobrang baba na talaga ng grades ko-"

"Dati nang mababa ang grades mo," putol ni papa.

"Oo nga po, papa. Pero-"

"Iyong totoo, Jewel?" Naningkit ang mga mata sa akin ni papa sa pagdududa. "Tinanong kita noong nakaraang araw, ang sabi mo, huwag na. Tapos ngayon parang gusto mo ulit? What made you change your mind?"

Suminghap ako.

"Wala, papa! 'Yon lang talaga. Sawa na 'kong makitang puro 75 grades ko..."

"Are you sure?"

"Opo. Papa naman, e."

"Don't listen to her, papa. Crush niya 'yong tutor ko. Papansin siya kagabi tapos titig nang titig kay Kuya Zach. Ako na nahihiya sa kanya."

"Gold!" saway ko.

Napabaling sa akin si papa at nagtaas ng kilay. Ginapang agad ako ng kahihiyan at pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang matinding pag-init niyon at wala akong magawa kundi ang samaan na lang ng tingin ang kapatid ko.

"Zach? Iyon ba 'yong boyfriend mo, Jewel?" singhap ni mama na kanina pa pala nakikinig sa usapan naming tatlo.

Nakatayo siya sa likod ni papa habang buhat-buhat ang isang pitsel ng gatas. Mabilis akong tumayo para tulungan siyang ilapag iyon sa lamesa. Pagkalapag namin ay muli niya akong hinarap, nangingiti.

"Iyon ba 'yon, Jewel?"

Hindi ako makatingin sa kanya sa kahihiyan at panic. Hindi naman kasi totoo 'yong kinuwento ko sa kanya. Bakit naaalala niya pa 'yon?

TVD #5: The Day She ConfessedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang