Kabanata 30

3.2K 89 26
                                    

Kabanata 30




+639********:
     Hi. Can we meet up and watch a movie this Saturday?

Napatili ako nang malakas habang nakadapa sa aking kama.

Kanina pa ako naghihintay ng text ni Zach at ngayong naka-receive na ako ay nanginginig ang buo kong katawan at tumatambol nang napakabilis ang puso ko. Titig na titig ako sa screen ng aking cellphone. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Na-e-excite ako at hindi na mapakali. Halos mapunit na rin ang aking bibig sa lawak ng ngiti ko.

Shems! Shems! Shems!

Dream come true! Inaaya ako ni Zach makipag-date!

Hindi niya man literal na sinabi, dahil asyumera ako ay iyon na agad ang iniisip ko. Pero, hindi ba’t kapag manonood ng sine ay date na iyon?

Reply:
     Sige, Zach! Saan tayo magkikita?

Ngiting-ngiti ako habang naghihintay ng kanyang reply. Muli akong nagtipa ng mensahe nang may maalala.

Reply:
     Btw, new number mo ba ito?

Ilang minuto bago siya nakapag-reply.

+639********:
     Yeah. This is the new one. Please save this. Block the last one, Jewel.

Kumunot ang noo ko.

Reply:
     Bakit naman?

+639********:
     Basta. Sumunod ka na lang. Engot mo.

Napanguso ako. Ang hilig-hilig niya talagang sabihing engot ako.

Sinunod ko ang sinabi niya at pagkatapos ay nag-text ulit ako.

Reply:
     Ok na, Zach. Saan tayo magkikita?

Excited na ako. Sa sobrang excite ko, pagkatapos na pagkatapos mag-reply sa akin ni Zach ay tumayo na ako agad para maghanap ng susuotin. Kinalkal ko lahat ng damit ko sa aparador. Sinukat ko halos lahat. Naisip ko pa nga kung magde-dress ba ako kahit hindi ako sanay dahil siyempre dapat presentable ang suot ko sa unang date naming dalawa ni Zach. Kaao mas sanay talaga akong magsuot ng jumper at karamihan sa mga damit ko’y pangterno lamang sa gano’n. Kaya sa huli, jumper pa din ang nanaig.

“Saan ka ba pupunta, Ate Jewel?” kunot ang noong tanong ni Gold.

Nakaupo siya sa kama ko sa loob ng aking kuwarto habang pinagmamasdan ako rito sa tapat ng salamin. Wala yata siyang ginagawa kaya naman nandito siya at tumatambay, pinapanood ang pag-aayos ko.

“May date ako!” sagot ko habang nagpupulbo.

“Date? Nang ganiyan ang suot mo? Para kang bata tingnan, ate!” parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin sa aking damit.

Wala namang masama sa suot ko, ah? Ano bang gusto niyang isuot ko? Bikini?

Masama ang tingin ko nang muli akong bumaling sa kapatid ko. Agad siyang tumayo at tumakbo paalis. Sumunod ako para magpaalam na kay mama na aalis ako, pupuntahan ang isang kaibigan at babalik mamayang gabi. Hindi siya naniwala sa akin. Nalaman niya agad na makikipag-date ako pero hindi niya alam kung sino kaya pinagbawalan niya ako agad umalis.

“Pero, mama!” angal ko.

“Sinong ide-date mo? Akala ko ba si Zach lang, anak?” salubong ang kilay na tanong niya.

“Si Zach nga po ang ka-date ko…”

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos kong sabihin iyon ay pumayag siya nang walang pasubali. Tuwang-tuwa pa siya at halos itulak na ako palabas ng pinto.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now