Kabanata 27

2.8K 95 108
                                    

Kabanata 27





Buong akala ko ay makakausap ko si Zach pagdating ng Lunes ngunit ni anino niya'y hindi ko man lang nakita. Nang magtanong ako sa isa niyang kaklase, saka ko lang nalaman na hindi pala siya pumasok tapos wala pang sinabi kung bakit.

Nakaramdam tuloy ako bigla ng pag-alala. Hindi siya kailanman lumiliban sa klase nang walang excuse letter, e. Ngayon lang. Kaya talagang hindi ko na maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

"Ano? Nakausap mo?" tanong ni Clarisse nang salubungin nila akong tatlo.

Umiling ako, bagsak ang balikat. "Wala siya..."

"May sakit?" si Precious.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan... wala naman daw siyang sinabi sa mga teacher..." nakangusong sagot ko.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa classroom namin at sinundan naman nila ako. Tahimik sila. Parang nag-iisip pa sila ng mabuting sasabihin sa akin habang naglalakad para lang gumaan ang loob ko. Medyo nagi-guilty tuloy ako dahil pinag-iisip ko pa sila, pero hindi ko talaga mabago ang walang ganang mood ko. Talagang nagtataka ako kung ano ang nangyari kay Zach.

"Isang araw pa lang siyang hindi nagpaparamdam sa 'yo, mukha ka nang mapapraning." Umiling-iling si Jessa.

"Gano'n ba kalala ang itsura ko?" gulat kong tanong.

Sabay na tumango si Clarisse at Precious.

Ngumuso ako ulit.

"Nag-aalala ka ba?" tanong ni Jessa.

"Siyempre, 'no!"

"Baliw. Tigilan mo 'yan. Wala naman mangyayari kung mag-aalala ka. Mamaya niyan, sa walang kwentang bagay ka pala nag-iisip ng kung ano-ano."

"True," segunda ni Precious.

Bumuntong-hininga ako. Sa bagay... hmm...

Dahil sa sinabing iyon ni Jessa ay hindi ko na nga masiyadong inisip ang pagliban ni Zach. Bukod pa ro'n, naisip ko ring baka masiyado lamang akong nag-iisip.

Nakatulong na naging abala ako sa dami ng pinagawang activities ng bawat teacher noong araw na iyon para maiwasan ko ang pag-iisip kay Zach. Pero sa sumunod pang dalawang araw na wala pa rin siya, hindi ko na talaga napigilan pa. Hindi na ako mapakali. Sinubukan kong hingin kay papa ang numero ni Zach para tawagan ito ngunit hindi siya sumagot kahit isang beses. Alalang-alala na tuloy ko.

Ano kaya kung puntahan ko sila sa bahay nila?

Nanlumo ako. Hindi ko nga pala alam kung saan siya nakatira. Nang maisip ko 'yon, agad pumasok sa utak ko na magtanong sa mga kaklase niya.

"Bahay ni Zach?"

"Oo. Kung alam mo sana kung nasaan..." umaasang tanong ko.

Umiling ang lalaki. "Sorry, 'di ko alam."

Halos lahat sila'y ganoon ang isinagot. Kahit 'yong mga lalaking madalas niyang kasama ay hindi rin ako sinagot nang maayos. Hindi ko alam kung nananadya ba silang huwag sabihin sa akin, o dahil hindi lang talaga nila alam. Pero, imposible naman 'yon, ano! Tahimik si Zach pero siguradong sinasabi niya kung saan siya nakatira tuwing introduce yourself!

Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang lamesa ni Zach mula sa labas ng kanilang room. Napakurap-kurap ako nang biglang may pumasok muling ideya sa aking isip.

Hindi kaya may mga notebook siya sa loob n'on? Baka may nakasulat na address niya ro'n? Kasama ng pangalan niya.

Hindi ako sigurado. Baka wala. Pero baka rin meron.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now