Kabanata 36

3.5K 110 131
                                    

Kabanata 36




Agad akong bumaba ng sasakyan nang maihatid niya na ako sa tapat ng bahay namin. Kinawayan ko na siya ngunit ibinaba niya ang bintana ng sasakyan nila at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"Come closer."

Sinunod ko ulit ang gusto niya at nagulat ako nang dumukwang siya palabas ng bintana para halikan ako. Nanlalaki ang mga mata ko.

"Goodnight," sabi niya.

Uminit ang pisngi ko. "G-Goodnight din. I-Ingat ka sa pag-uwi."

Umangat ang gilid ng kanyang labi habang nakatingin sa akin, pagkatapos ay umayos na siya ng upo at pinaandar na ang kanilang sasakyan. Hindi mapigtas ang ngiti ko nang kumaway pa rin ako kahit na tanaw ko na lamang sa malayo ang sasakyan nila.

"Bye, asawa ko..." bulong ko kapagkuwan ay humagikhik.

"Ate!"

Napatalon ako sa gulat at lumingon sa kapatid ko na nakatayo na ngayon sa may pinto. Kinabahan ako dahil baka nakita niya ang ginawa namin ni Zach, pero mukhang wala naman sa mukha niya iyon kaya kumalma ako.

"Nakauwi ka na pala. Saktong-sakto, kakain na. Pumasok ka na, Ate Jewel," aniya.

"Oo!"

Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang dinaanan ni Zach bago ako nakangiting pumasok sa loob ng aming bahay.

Lumipas ang mga araw na wala akong ibang inisip kundi si Zach lang. Kung anong ginagawa niya. Kung okay na ba siya—kahit na alam kong, siyempre, hindi pa. Sino ba ang magiging maayos agad 'pag namatayan ng ina? Maisip ko pa lamang na hindi ko na muling makikita pa si mama, kumikirot na ang puso ko at naiiyak na ako. Hindi ko yata kaya iyon. Mawala na ang lahat, huwag lang ang pamilya ko't mga importante sa aking buhay.

"Oh, ano, Jewel? Talo ka na!" hiyaw ni Randyll.

"Hindi pa!" angal ko.

Ngumuso ako at tinuloy ang paglapag ng mga holen sa mga butas ng sungka. Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon sa may quadrangle habang break time.

"Wala, Jewel. Suko na," asar ni Clarisse na nanonood sa aming dalawa.

Umiling ako, salubong ang kilay at mas nagpokus pa sa laro. Kaya lang, talo na nga talaga ako. Nabilang na nila kung saan ang huling hulog ng holen at tama sila, sa sunog nga.

Humalakhak si Randyll.

"Pa'no ba 'yan? Ikaw manlilibre mamayang recess!"

"Nandaya ka, e!" akusa ko dahil hindi ko matanggap ang nangyari.

"Hindi siya nandaya. Mahina ka lang talaga," komento ni Jessa na napagigitnaan ni Clarisse at Precious.

Tumango si Precious, ang tingin ay nasa sungka pa rin. Siguro'y siniguro niyang tama ang kinalabasan ng laro.

Bumagsak ang aking balikat at mag-aaya na sana ng round two nang bigla akong tinapik ni Clarisse sa aking balikat. Nilingon ko siya at itinuro niya ang lalaking nakatayo na pala ngayon sa harapan namin.

"Tientze..." gulat na sambit ko sabay tayo.

Ngumiti ito. "Puwede ba kitang makausap?"

Napakurap-kurap ako.

Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit ngayon. Magmula kasi nang magkausap kami noong nakalipas na limang araw ay hindi na kami muling nagkausap pa. Humupa na rin ang usap-usapan tungkol sa amin at nagpapasalamat ako doon. Kung ano man ang gusto niyang pag-usapan ngayon ay wala akong ideya.

TVD #5: The Day She ConfessedDär berättelser lever. Upptäck nu