Kabanata 9

2.8K 105 36
                                    

Kabanata 9



Hindi ko na talaga matandaan ang lahat ng paraan kung paano ako unti-unting nabihag ng charisma ni Zach.

Ang alam at naaalala ko lang, grade 8 ako noon nang makilala ko siya. Siya ang president ng Science club na aksidente kong nasalihan at hindi ko naman talaga gusto. Na-pressure lang ako dahil lahat ng mga kaibigan ko ay may mga napili nang club. Ako na lang ang hindi. Sakto namang may umalok sa aking estudyante na sumali sa kanila kaya um-oo agad ako kahit hindi ko naintindihan na patungkol sa Science pala iyon. Huli na nang malaman ko.

Noong una ko siyang makita, hindi naman ako na-attract talaga sa kanya kahit na guwapo siya. Ngunit nang magsalita na siya sa unahan para ipaliwanag ang mission at vision ng club namin, sobrang namangha ako.

Ang galing niya kasi magsalita e. Tapos iyong pagpapaliwanag niya pa, sobrang linaw! Naintindihan ko agad!

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sarili ko. Lagi na pala akong nakatingin sa kanya. Palagi nang halos mabali ang leeg ko para lang lumingon sa kung nasaan siya. Tapos 'yong pangalan niya pa, may epekto na rin sa 'kin. Kaunting rinig ko lang ay nagdudulot na ito ng kung anong kaba sa sistema ko.

Iba 'yong saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Kapag pangit 'yong araw ko, biglang umaayos, masulyapan ko lang siya. Basta sobrang saya ko simula noong makilala ko siya, kahit madalas ko lang siyang tinatanaw mula sa malayo. Lalo na nitong mga nakaraang linggo dahil pakiramdam ko'y nagiging malapit na kami sa isa't isa.

Kaya nga hindi ko akalain na may sakit at lungkot rin pala siyang ibibigay sa akin.

"Oh, Jewel..." nagugulat na usal ni Ate Hannah nang silipin niya ako mula sa likuran ni Zach.

Mabilis niyang inalis ang pagkakayakap sa lalaki at umatras habang kagat-kagat ang ibaba ng kanyang labi. Nahihiya siya ngunit nangingiti rin sa kung ano, dahilan para umusbong ang inis sa akin dulot ng matinding paghihinala.

Bakit siya ngumingiti? May nangyari pa ba bukod sa narinig ko?

"Kanina ka pa ba nandiyan?" tanong ni Ate Hannah at sinulyapan si Zach.

"H-Hindi. Ngayon pa lang..." nag-aalangang sabi ko.

Sinulyapan ko rin si Zach na walang imik na umayos ng tayo. Tila ba wala lang ang nakita kong posisyon nila kanina.

Napalunok ako.

"S-Sorry. N-Naistorbo ko yata ang pag-uusap ninyo."

"Naku! Hindi naman." Namuli ulit ang mukha ni Ate Hannah. Humagikhik siya at muling sumulyap kay Zach. "Kami nga itong dapat mag-sorry. Nakita mo kami sa hindi magandang..."

Hindi niya na tinuloy. Pero kahit ganoon, libo-libong karayom pa rin ang tila tumutusok sa puso ko.

Napalunok ako. Sa pagkakataong ito, nangilid na talaga ang luha sa mga mata ko. At bago pa nila iyon mapansin ay yumuko na ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Gusto kong magsisi na sinundan ko pa sila. Kung hindi ako sumunod, edi sana hindi ko sila nakita sa ganoong akto. Edi sana... edi sana...

Ang sakit...

Ngumiti ako nang mapait habang nakayuko.

"Ganoon ba... s-sige. B-Babalik na ako sa loob. Tuloy n'yo na 'y-yang ginagawa n'yo..."

Hindi ko na tiningnan pa si Zach o kahit ang hintayin pang magsalita ang kahit sino sa kanilang dalawa. Tumakbo na ako palayo. Nasa hallway na ako at papunta na sa library, pero sa tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko ay napatigil ako.

"Ate?" boses ni Gold.

Napatingin ako sa madilim na parte ng hallway. Nakatayo siya roon, may pagtatakang nakatingin sa akin.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon