Kabanata 19

2.8K 114 58
                                    

Kabanata 19



Dahan-dahan at nanlulumo kong isinilid sa aking bag ang aking cellphone matapos tingnan kung may signal ba. Sinabi naman na sa akin ni Zach na wala pero dahil nasa hindi magandang sitwasiyon kami ngayon ni Jackie ay hindi ko maiwasang umasa.

“Gosh. It’s so hot in here. I should have brought an umbrella…”

Napatingin ako kay Jackie na nakangiwi habang pinupunasan ang namumuong pawis sa kanyang noo.

“Can we rest for a bit? Kanina pa tayo lakad nang lakad, hindi naman natin makita si Zachiro. We can’t also see some violet cloth in the trees,” aniya habang pinasasadahan ng tingin ang mga puno sa paligid namin.

Umiling ako. “Hindi puwede, Jackie. Kailangan nating hanapin si Zach.”

“Zach will surely find me so we don’t need to find him!”

“Kahit na. Kasalanan mo kung bakit tayo nawala kaya hindi tayo dapat tumunganga at maghintay lang dito. Kung sana’y sinundan mo lang siya, edi sana wala tayong dalawa ngayon dito,” sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi kami puwedeng maghintay na lang. Paano kung hindi kami mahanap ni Zach? At baka abutan pa kami rito ng gabi. Nakakatakot. Zach… sana mahanap mo kami agad. Alam kong hahanapin mo kami…

“At bakit ikaw? Isa ka nga rin, e! You should have been looking at Zach and not me!”

Tumigil ako at muling nilingon si Jackie. Gusot na gusot ang kanyang mukha.

“Nakaharang ka kay Zach kaya siyempre ikaw ang titingnan ko. Kung alam ko lang edi sana hindi kita sinundan.” Salubong ang kilay na umiling-iling ako.

Napasigaw na lamang siya sa inis. Ngumuso ako at naglakad na ulit. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa akin habang binubulong-bulong sa hangin ang kanyang mga reklamo. Sinaway ko siya at sinabihang magpokus sa paligid dahil baka may makita siyang tela ngunit inirapan niya lamang ako. Humalukipkip pa siya habang naglalakad.

“Goodness. I wish Zach is with me right now and not you.”

Hindi ko na siya pinansin. Nakita kong may ilang grupo ng mga estudyanteng nasa harapan ng isang puno at tila may kinukuhang tela. Lumakad ako palapit para sana magtanong kung nakita o nakasalubong ba nila si Zach. Ngunit nang matanaw ko kung anong kulay ng tela ang sinusungkit nila sa mataas na puno ay nanlalaki ang mga mata ko.

Kulay lila!

“Hoy! Tela namin ’yan, ah!” sigaw ko.

Natatarantang napalingon sa akin ang mga estudyante. Nang makita nila ako’y dali-dali silang kumaripas ng takbo bitbit ang telang dapat ay kami ang kumuha. Hindi ako nag-atubiling tumakbo para habulin sila kahit hindi ko alam kung bakit nila tinatangay ang tela namin. Kaya lang, naalala kong kasama ko nga pala si Jackie at hindi kami puwedeng magkahiwalay kaya tumigil din ako agad.

“Jackie! ’Yong tela natin!” sabi ko at nilingon siya.

Nagulat ako nang makitang tumatakbo rin siya at nilampasan pa ako. Nilingon niya ako at pinandilatan ng nakakatakot niyang mata.

“What the hell are you doing?! We need to follow them!”

Tumango ako at tumakbo agad kahit nagugulat na nagagawa niya pa ring tumakbo kahit kanina ay panay na ang sabi niyang masakit na ang kanyang paa. Umaarte lang pala siya! Napaka!

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now