Kabanata 4

3.3K 113 58
                                    

Kabanata 4


Hindi ko alam kung paano umayos ang pakiramdam ko pagsapit ng halos isang oras kong pagmumukmok sa loob ng kuwarto ko. Basta ang alam ko lang, balik normal na ulit ako habang sumisilip kina Zach mula sa second floor. Nagtatago ako sa likuran ng aming pader at tinatanaw silang tahimik na nagre-review na para bang hindi nila ako pinaiyak na dalawa.

Ngumuso ako habang nakatingin kay Zach. Hindi man lang ba siya nababahala sa pagpapaiyak niya akin?

"Ang salbahe talaga," nakasimangot na bulong ko.

Ilang minuto pa akong nanatili roon bago ko napagpasiyahan na bumaba na nang tuluyan. Tutulungan ko na lang si mama na magluto sa kusina kaysa panoorin sila.

Hindi ko alam kung paanong naging close agad silang dalawa kahit na ikalawang gabi pa lang naman ito ng pagtu-tutor ni Zach sa kapatid ko. Siguro dahil pareho silang matalino? O baka dahil pareho silang lalaki? O dahil... gusto rin ni Gold na magkaroon ng kuya.

Naalala kong nabanggit niya iyon dati.

Habang tumutulong kay mama sa pagluluto ng pagkain, pabalik-balik ako sa may counter kung saan masisilip at mapagmamasdan ko sina Zach sa may sala. Hindi ako makapaniwalang nasa loob siya ng bahay namin at nagagawang titigan sa malapitan ngayon. Madalas nga akong gumawa ng scenario na kasama siya bago ako matulog tuwing gabi pero hindi ko inasahan ang ganito. Pakiramdam ko tuloy, ang liit-liit ng mundo.

"Jewel, sandali lang. Tatawagan ko lang ang papa mo..."

Napatingin ako kay mama. Magsasalita sana ako pero nakalabas na siya nang tuluyan sa kusina. Saktong pumasok naman si Zach.

Halos lumukso ang puso ko sa gulat. Namilog ang mga mata ko at natigilan ngunit agad din namang nakakilos para tumalikod at magkunwaring nagpupunas ng lababo kahit na hindi naman madumi iyon. Kaso naisip kong baka may kailangan siya kaya pumasok dito sa kusina.

"B-Bakit?" naiilang at nahihiyang tanong ko.

Hindi siya nagsalita bagkus ay sinulyapan ang hawak-hawak. Napasulyap din tuloy ako. Doon ko lang napansin ang hawak niyang baso. Siguro'y balak niyang ilagay sa lababo.

"Ah! Ako na..."

Papunta na kasi siya sa lababo para ilapag ang baso kaya lumapit na ako agad at kinuha iyon. Naiilang akong ngumiti. Mataman niya lang akong pinagmasdan.

Inaasahan kong aalis na siya agad matapos niyang panoorin ang paghugas ko ng basong ininuman niya, na kamuntik ko pa ngang hindi hugasan sana kung hindi lang siya nakatingin. Kaya, tumalikod na ulit ako at nagpasiyang kunin ang mga baso sa kabinet na nasa itaas ng lababo na inilalabas lang ni mama tuwing may bisita kami.

Tumingkayad ako at mas ininat ko pa nang mabuti ang braso ko. Natigilan nga lang ako nang isang braso ang dumaan sa gilid ko para kunin ang mga pilit kong inaabot kanina pa.

Mabilis akong umayos ng tayo at gulat na binalingan si Zach.

Tiningnan niya lamang ako saglit pagkatapos ay kumuha pa ng ilan pang mga baso pagkatapos niyang ilapag sa lababo ang mga unang nakuha. Isinara niya ang kabinet at binalingan akong nangingiti nang nakatingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo.

"What?"

Mas lalo akong napangiti. Umiling-iling ako, pinipigilan na tumili dahil sa kilig.

"S-Salamat," mawalak ang ngiting sabi ko pa, para bang hindi niya ako napaiyak kani-kanina lamang.

"Anong height mo?"

"Uh, 4'9?" sagot ko kahit nalilito kung bakit niya iyon tinatanong.

Napakurap-kurap ako.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now